10-year validity ng driver’s license maaari nang ma-enjoy sa susunod na taon

Imahe mula sa Autodeal
  • Simula October 2021 ay magbibigay na ang LTO ng driver’s license na may 10-year validity 
  • Ang maaaring makakuha nito ay ang mga driver na walang violation kahit isa
  • Ang 10-year validity ng driver’s license ay incentive sa mga driver na sumusunod sa batas-trapiko

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na sa susunod na taon ay sisimulan na nito ang pagpapalawig ng driver’s license sa sampung taon mula sa dating limang taon lang.

Imahe mula sa Autodeal

Sa isang press briefing, inihayag ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na sa October 2021 sisimulan ang 10-year validity ng lisensya, pero nilinaw niya na hindi ito para sa lahat ng driver. Aniya, mae-enjoy lang ito ng mga driver na malinis ang record o walang nilabag na anumang batas-trapiko.

“Isang incentive ito doon sa mga sumusunod sa batas trapiko, walang mga violation. ‘Pag-renew niya ng lisensya niya starting October 2021, mabibigyan na siya ng 10-year valid license,” ani Galvante.

Layunin ng mahabang validity ng driver’s license na maengganyo ang mga driver na hindi lumabag sa mga traffic laws. Kasabay nito ay inilunsad ang demerit system para i-discourage ang paulit-ulit na paglabag sa mga traffic rules and regulations.

“Hindi lahat ng driver’s license possessor makakapag-enjoy nitong 10-year validity ng license kung siya ay mayroong demerit points,” aniya.

Imahe mula sa LTO

Sa ilalim ng demerit system, ang violation ay may tatlong kategorya.

Ang grave violation ay papatawan ng 5 demerit points; 3 demerit points naman para sa less grave violation at sa light violation ay 1 demerit point.

Itinuturing na grave violation kapag ginamit sa krimen ang sasakyan, less grave naman ang pagmamaneho ng nakainom at pagmamaneho ng colorum vehicles. Light violation naman kung simpleng paglabag sa road traffic rules.

Imahe mula sa PNA

Sinabi pa ni Galvante na kahit less grave ang violation ay maaari itong itaas bilang grave violation kung paulit-ulit ang paglabag.

Binigyang-diin din niya na ang isang demerit point ay sapat na para hindi mabigyan ang driver ng 10-year extension ng lisensya.

Source :

Wheels, PNA

Loading…