100 taong gulang na pawikan, nalambat at ibinalik sa karagatan

  • Pawikan naman ang nakita sa isang bayan sa Ilocos Norte
  • Tinatayang may 100 taong gulang ang naturang lalaking pawikan
  • Agad itong ibinalik sa dagat

Isang pawikan ang namataan at nalambat ng mga mangingisda sa Barangay Saud sa Badoc, Ilocos Norte nitong Biyernes, Agosto 7, 2020 na tinatayang nasa 100 taong gulang na.

Ang naturang green sea turtle ay isang lalaki, ayon kay Provincial Fisheries Coordinator and Regulation Officer Arthur Valente.

Imahe mula sa ABS-CBN News / Public Domain Image

Tinatayang may bigat itong 100 kilo, may habang 102 sentimetro, at lapad na 92 sentimetro. Wala namang nakitang sugat sa pawikan kaya agad din itong pinakawalan sa dagat na kaniyang panahanan.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng reaksyon at komento hinggil dito.

“This kind of turtle should be protected and preserved for our future generations to see. THEY. DESERVE. BETTER,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Good job Sir! Continuous advocacy on the preservation of this tortoises should be sustained for reminder and deeper awareness of fishermen to protect this endangered species.”

“Puro kahayupan ang naglalabasan ngayon hindi malayong maglabasan na rin ang mga buwaya na walang kabusugan diyan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno,” biro naman ng isa.

Samantala, isang netizen naman ang nagsabing may signos o babala sa paglabas ng mga wild animals, lalo na ang napabalitang paglabas ng mga rare at wild animals sa kalunsuran kagaya ng ostrich, baboy-ramo, kambing, peacock, sea eagle, at iba pa.

Imahe mula sa ABS-CBN News / Public Domain Image

“Mag-ingat po tayo, sa mga darating na kalamidad kapag naglalabasan po ang mga rare na animals ibig sabihin sila ay may nararamdamang kakaiba sa kalikasan.  Diyos ko, huwag naman po sana.”

Ang pawikan ay isang uri ng malaking pagong o galapagong na may mga palikpik imbes na paa. Karaniwang nabubuhay ito sa dagat, na kabilang sa pamilyang Chelonioidea at Dermochelyidae. Maikakategorya ang mga pawikan bilang reptilyang pandagat na maaaring manirahan sa lahat ng mga karagatan ng mundo maliban sa Karagatang Artiko.

Loading…