1,000-year old gold coins nahukay ng ilang kabataan sa Israel

Imahe mula sa OAA-Facebook
  • Nahukay ang mahigit 425 piraso ng 24-karat na gold coins ng ilang kabataan sa Israel
  • Tinatayang ibinaon ito ng may-ari sa lupa halos 1,100 taon na ang nakararaan
  • Ang mga gold coins ay pinaniniwalaang nagmula pa sa 9th century

Nahukay kamakailan ng ilang kabataan sa Israel ang isang gusi na naglalaman ng maraming coins na gawa sa ginto; ito ang ibinahagi ng Israel Antiquities Authority sa kanilang Facebook page.

Ang mga kabataan ay volunteers sa isang excavation site kung saan planong itayo ang ilang kabahayan.

Umabot sa 425 piraso ng 24-karat gold coins na may kabuuang bigat na 845 grams at tinatayang ibinaon sa lupa halos 1,100 na ang nakararaan.

Screenshot mula sa YUT video ng IAA

“The person who buried this treasure 1,100 years ago must have expected to retrieve it and even secured the vessel with a nail so that it would not move. We can only guess what prevented him from returning to collect this treasure,” ani Liat Nadav-Ziv, excavation director.

Kuwento ni  Oz Cohen, isa sa mga kabataan, akala daw niya ay mga dahon ang kaniyang nahukay na nasa loob ng isang nakabaong gusi.

“When I looked again I saw these were gold coins. It was really exciting to find such a special and ancient treasure,” anito.

Ang mga gold coins umano ay nagmula pa sa 9th century kung kailan ang rehiyon ay nasa ilalim pa ng Islamic Abbasid Caliphate na namuno sa Algeria at Afghanistan noong panahon iyon.

Imahe mula sa CTruth

Isa sa mga coins ay maituturing na napakabihira at mahalaga dahil mayroon itong mukha ni Byzantine emperor Theophilos at posibleng tinubog sa kalapit na Constantinople, ang kabisera noon ng imperyo.

Base sa halaga ng coins na natagpuan, maaari na raw itong ipambili ng isang malaki at mamahaling bahay sa Fustat, ang tinaguriang mayamang kabisera noon sa Ehipto.

Hindi naman nila maunawaan kung bakit ibinaon ng may-ari sa loob ng gusi ang kayamanan at nilagyan pa ito ng pako sa gilid upang hindi gumalaw. Nakapagtataka rin umano na hindi na ito binalikan pa ng kung sino man ang nagbaon nito.

Loading…