60 araw na palugit sa loan, credit card payments pasok sa Bayanihan 2

Imahe mula sa Daily Do It Your Self
  • Magkakaroon ng 60-day grace period sa mga loans at credit card payments sa ilalim ng Bayanihan 2
  • Mananatili namang 30 araw ang grace period sa upa at utility bills kapag pumatak ito sa ECQ o MECQ
  • Inaasahang malalagdaan na ng Palasyo ang Bayanihan 2 anumang araw ngayong linggo

Oras na malagdaan ng Palasyo at maipatupad na ang Bayanihan to Recover As One Act Bayanihan 2, mayroong nang grace period na 60 araw para sa mga loan at credit card payments kahit ano pa mang lebel ng quarantine ang ipinatutupad.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate committee on finance, hindi ito katulad sa Bayanihan 1 na mayroon pang partikular na kondisyon depende sa kung anong uri ng quarantine.

Sen. Angara/Imahe mula sa Facebook

“Dati kasi may conditions pa na kailangan under quarantine or under ECQ, wala na ‘yun, 60-day grace period talaga. Let’s say due siya tomorrow, may 60 days ka na palugit,” paliwanag ng mambabatas.

Saklaw umano nito ang lahat ng loans tula ng credit cards, insurance premiums, at puwede ring ang utang ng negosyo, investments at consumer credit loans.

Nauna nang ipinanukala ng Bangko Sentral na iklian lang ang grace period sa mga loan payments sa 30 hanggang 45 na araw dahil sa pangamba sa epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

“Na-realize nila kahit di namin i-impose ‘yan, ‘yun din ang mangyayari. People will be asking for restructuring of loans, more grace period,” ayon pa sa senador.

Imahe mula sa Blend.ph

Samantala, ang mga upa sa bahay at bayad sa utility bills na papatak sa ECQ o MECQ ay mananatili pa ring magkakaroon ng 30-day grace period.

Patuloy pa ring pinagdedebatehan sa bicameral conference committee ng Kongreso ang Bayanihan 2 at inaasahang maipapasa ito anumang araw ngayong linggo.

Ang Bayanihan 2, na may nakalaang budget na P165-B, ay magiging epektibo hanggang sa Disyembre nitong taon.

Loading…