ABS-CBN News Anchor Bernadette Sembrano, isa na ring songwriter

  • Songwriter na rin ang news anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo
  • Isa siya sa mga sumulat ng lyrics ng awiting “Ang Sa Iyo Ay Akin” na theme song ng bagong teleserye sa Kapamilya Channel
  • Kasama niya sa pagsulat nito si Jonathan Manalo na isa sa mga head ng Star Music

Ibinalita ng isa sa mga mahuhusay na news anchor ng ABS-CBN na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo na isa siya sa mga sumulat ng awiting “Ang sa Iyo ay Akin” na pamagat din ng bagong teleserye sa Kapamilya Channel na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Diamond Star Maricel Soriano.

Ibinunyag niya ito matapos niyang ipamalita ang pagkaka-retrench sa kaniya bilang field reporter ng “Lingkod Kapamilya” bilang epekto na rin ng pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal ng Kapamilya Network, ayon sa kaniyang Facebook post noong Agosto 25, 2020.

Imahe mula sa Facebook account ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo

Bagama’t nangyari ito, mananatili naman daw bilang news anchor si Bernadette sa news flagship ng Kapamilya Network na TV Patrol kasama sina Kabayang Noli De Castro at Ted Failon.

Gayundin, inamin niyang songwriter na rin siya. Sa tulong ni Jonathan Manalo, naisakatuparan niya ang isa sa mga pangarap na makasulat ng isang awitin.

“One of my life‘s biggest SURPRISE! How did this happen that I co-wrote the lyrics to Ang Sa Iyo Ay Akin? It was just lately when it became a hobby to write lyrics and thanks to Jonathan Manalo for helping me reach this milestone,” aniya.

Dagdag pa niya, “Bonus pa na it’s for an ABS-CBN/Kapamilya Channel teleserye and Aegis pa ang kumanta! Thank you rin to my Maestro Louie Ocampo na laging nandiyan to help and guide me. Enjoy mga Kapamilya! Here’s to more songs in the coming months.”

Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Public Domain Image

“Congrats Ms. Bernadette, into song writing naman ang pinagkaabalahan mo. Good job!” pagbati ng isa.

Papuri naman ng isa, “You are fit in singing career. Very impressive song. Exceptional and lovely voice. Shout out your true feelings. We always pray the come back of ABS-CBN. Show your fighting spirit. Tell them you can break my back but not my spirit.”

Panoorin ang ibinahaging video ni Bernadette sa kaniyang Facebook page:

Iclick ang imahe para sa video

Loading…