ADB inaprubahan na ang $125-M loan ng ‘Pinas para sa COVID response

Imahe mula sa ADB
  • Inaprubahan ng ADB ang panibagong $125-M loan ng Pilipinas para sa COVID response
  • Inaasahang makatutulong ito para ayusin pa ang estado ng health services sa bansa
  • Nakakuha na dati ng grant ang Pinas mula sa ADB para sa pagtatayo ng laboratoryo

Inaprubahan na ng Asian Development Bank (ADB) ang panibagong loan nito sa Pilipinas upang pondohan at gawing mas epektibo ang pagsugpo ng bansa sa umiiral na COVID-19 pandemic.

Ang naturang pera ay mapupunta sa Health System Enhancement to Address and Limit (HEAL) COVID-19 Project na magbibigay ng pagkakataon sa Department of Health (DOH) na ayusin pa ang kasalukuyang estado ng health services sa bansa sa pamamagitan ng pag-upgrade ng mga medical equipment at pagbibigay ng mga kailangang training para sa mga medical health workers.

Imahe mula sa iOrbit News

“This project will help improve the preparedness and resilience of the country’s health systems at the national and local levels in handling current and future public health threats. It will also contribute to the Philippines’ efforts toward implementing universal health coverage,” ani  Ahmed Saeed, VP ng ADB na nakabase sa Manila.

Para naman kay ADB Principal Social Sector Specialist for Southeast Asia Sakiko Tanaka, inaasahan niyang makatutulong ang bagong pondo para dagdagan ang kasalukuyang kapasidad ng DOH na magsagawa ng COVID testing.

“The project will help the government scale up its ability to conduct COVID-19 tests, surveillance, and infection prevention and control, and provide critical care equipment to improve treatment outcomes,” ayon kay Tanaka.

Imahe mula sa The Times

Ang kasalukuyang kapasidad ng gobyerno para sa COVID testing ay umabot lang sa 31,000 hanggang nitong Agosto 15. Layunin umano ng mga opisyal na umabot ito sa 75,000 bago matapos ang taon.

Ang panibagong loan ng ADB ay madaragdag sa dating grant ng bangko na ibinigay sa DOH para sa pagpapatayo ng isang pandemic subnational reference laboratory sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa San Fernando, Pampanga.

Naaprubahan ang grant na ito noong Marso 14 habang ang laboratoryo naman ay tumatakbo na simula pa noong Mayo at may kasalukuyang COVID testing capacity na 3,000 kada araw.

Loading…