Ahensiya ng PCOO sinita ng COA sa P1.8-M meal expenses na walang maayos na dokumento

Imahe mula sa PCOO
  • Sinita ng COA ang P1.8-M meal expenses ng BBS na walang maayos na papel
  • Hindi umano mapatunayan kung ang pera ay nagastos nga sa mga official na meeting
  • Nangako naman ang BBS na ibibigay nila ang mga kulang na dokumento sa lalong madaling panahon

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang isang ahensiya sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) tungkol sa diumano’y mahigit P1.8-M na ginastos nito sa pagkain at miryenda na walang maayos na dokumento.

Ayon sa audit report ng COA para sa taong 2019 na isinapubliko noong nakaraang linggo, umabot sa P1.83-M meal expenses ng Bureau of Broadcast Services (BBS) ang walang kaukulang papel  na magpapatunay na ito ay binili para sa isang official meeting.

Imahe mula sa Bilyonaryo

Ang BBS ay nasa ilalim ng pamumuno ng PCOO.

“A total of P2,356,188.46 was expended in CY 2019 for meals served during various meetings, of which P1,830,720.52 or 78 percent were not supported with documents that would show the meetings as official,” ayon sa ulat ng COA.

Labag umano ito sa Section 4.6 ng Presidential Decree No. 1445 na nagsasabing “claims against government funds shall be supported with complete documentation.”

“Thus, their legality and reasonableness could not be validated,” wika pa ng state auditor.

Maliban kasi sa mga resibo ng biniling pagkain, kailangan ding magbigay ng pruweba ang ahensiya tulad ng notice of the meeting, agenda, minutes of the meeting, attendance sheet o pirmadong listahan ng guest at attendees at kung maaari, ay mga larawan at video rin.

Imahe mula sa PCOO-Facebook

Kabilang sa kinukuwestiyon ng COA ay ang meal expenses para sa mga sumusunod na buwan: January  (P175,817.53), February (P342,890.55), March (P71,343.50), April (P143,013.42), May (P84,429.45), June (no record), July (P213,702.63), August (P189,034.54), September (P134,537.18), October (P164,344.91), November (P100,190.92, at December (P211,415.89).

Kung sakaling wala daw maibigay katulad ng mga dokumentong nabanggit, kailangan ang certification na isang official meeting ang naganap.

“However, this certification must be corroborated by other supporting documents to attest to the occurrence of an official event, otherwise it is just a self-serving document,” nasasaad pa sa COA report.

Nangako naman ang BBS sa COA na ibibigay nila ang mga kailangang resibo at dokumento sa lalong madaling panahon.

Loading…