Alessandra De Rossi: “2020 is terribly wrong, let us pray for each other”

  • May panawagan si Alessandra De Rossi para sa lahat
  • Ayon sa kaniya, “2020 is terribly wrong… We need to pray for each other”
  • Isama na rin daw sa panalangin ang buong universe, lalo na ang planetang Mars

Nanawagan ang aktres na si Alessandra De Rossi sa sama-samang pananalangin ng lahat upang malagpasan ang mga pagsubok na kinakaharap ng Pilipinas, ng mundo, at maging ng kalawakan ngayong taong 2020.

Ayon sa Twitter post ni Alex, talagang hindi magaganda at parang may mali sa mga nangyayari ngayong 2020. Kailangan daw ang dasal ng bawat isa, para sa ating bansa, sa ibang bansa, sa buong daigdig, at kahit sa planetang Mars na handa na ring puntahan ng space explorers.

Imahe mula sa Twitter account ni Alessandra De Rossi

“2020 is terribly wrong… We need to pray for each other. For our family, to friends, for our country, other countries, and the rest of the world. And Mars, perhaps,” ayon sa caption ng aktres.

At dahil may mga netizens na nagbiro sa kaniyang parang pang-Miss Universe ang post niya, dinagdagan pa niya ito na para bang kalahok talaga sa naturang prestihiyosong beauty pageant.

“I forgot to mention! To pray for the entire universe! When we all come together… apart and alone, but bound in spirit!! We will all make the world…… *hinga ng konti* a better place! Thank you sooooo much!!! PASOK APPLAUSE!” ani Alex at paulit-ulit na sinabi (nang pasigaw umano) ang “Face with tears of joy.”

Kinaaliwan naman ito ng mga tagahanga at tagasubaybay ng mahusay na aktres.

“Let’s pray for the President, too. You forgot about that category. Oh, you did mention Mars na pala. Okay na pala,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “This too shall pass! Grabe ang mga nangyayari ngayon, nakakahilo at nakakatakot at the same time. Bawat taon naman may pasabog, pero iba ang 2020. Bawat buwan, may nangyayaring nakaka-down.”

Public Domain Image

Taliwas dito, kamakailan lamang ay pinag-usapan si Alex gayundin ang co-star na si Paolo Contis dahil sa tagumpay ng 2018 movie na “Through Night and Day” sa Netflix.

Source :

Twitter

Loading…