Alessandra ‘di pa rin tumatanggap ng project; nagbenta muna ng sasakyan para may panggastos

Imahe mula sa Viva Entertainment
  • Hindi muna tumatanggap ng project si Alessandra de Rossi dahil sa umiiral na pandemiya
  • Nagpasya siyang magbenta muna ng kaniyang sasakyan para may pambayad ng bills
  • Mas pinili umano niyang ‘stay at home’ muna kahit walang pagkakakitaan

Ibinenta muna ni Alessandra de Rossi ang isa niyang sasakyan habang hindi pa siya tumatanggap ng bagong proyekto na kaniyang pagkakakitaan.

Sa panayam ni Lhar Santiago ng GMA News, sinabi ng premyadong aktres na ‘stay at home’ muna talaga siya ngayon dahil sa umiiral na coronavirus pandemic kaya wala siyang kita.

Screenshot mula sa Instagram ni Alessandra de Rossi

“Nung sinabing stay at home, tinutoo ko siya. And of course sa stay at home na ‘yon wala kang financial na papasok, it’s all palabas. Lahat ng projects tinatanggihan ko rin,” kuwento ng aktres.

Subalit kailangan rin niya umanong magbayad ng mga bills sa bahay kaya nagpasiya siyang ibenta muna ang isa niyang sasakyan. Kahit na maraming offers ay tinatanggihan niya ito at piniling manatili muna sa bahay.

“Dalawa ‘yung sasakyan ko. Binili ko lang ‘yung isa pang relyebo sa coding dahil nga ‘pag coding hindi ako lumalabas natatakot akong mahuli ng MMDA,” anito.

Bago pa man ang lockdown, inamin ni Alessandra na anim na shows at tatlong pelikula ang kaniyang tinanggihang gawin noong nakaraang taon dahil sa ‘pangit na mensahe’ nito.

Screenshot mula sa Instagram ni Alessandra de Rossi

“Yes. 6 shows tinanggihan ko last year and 3 films dahil ang pangit ng mga mensahe. Eto, lockdown! Sana pala ginawa ko na lang para may pera ako, ‘di naman pala mapapalabas!” ayon sa isang Instagram post ni Alessandra noong Mayo.

Nabanggit din ng “Through Night and Day” star na kaya siya hindi masyadong visible sa showbiz ngayon ay dahil ‘choosy’ siya.

“I’m not visible dahil choosy ako. Tao first. If I don’t like the message, ‘wag na. Dami ko nang ganyan na role,” wika nito.

Source :

GMA News, MSN

Loading…