Alice Dixson ipinasilip ang kanilang magandang bahay sa Boracay

Screenshot mula sa YT vlog ni Alice Dixson
  • Ipinasilip ni Alice Dixson ang kanilang bahay sa Boracay
  • Maganda, moderno at functional ang pagkakadisenyo nito
  • Mayroon ding napakagandang view ng Boracay ang kanilang balcony

Pinagbigyan ni Alice Dixson ang hiling ng kaniyang mga tagahanga na magbahagi ng house tour para naman masilip nila kahit paano ang tirahan ng magandang aktres.

Inamin ni Alice na nagdadalawang-isip siya na gawin ang house tour subalit  gagawin niya ito upang pagbigyan ang kaniyang mga fans dahil matagal na raw itong nire-request sa kaniya.

Screenshot mula sa YT vlog ni Alice

At noong nagdaang weekend nga, in-upload ni Alice ang kaniyang house tour para sa kanilang bahay sa Boracay.

“I actually split my time between Boracay and Manila and this weekend I’m in Boracay,” ani Alice. “And I’m gonna tour you around my place here on the island.”

Nagsimula sa kanilang garahe-slash-receiving area, pinakita rin ng aktres ang kanilang mga motorbike. Ito lang umano ang gamit nilang sasakyan sa isla.

Screenshot mula sa YT vlog ni Alice

Moderno, maganda at functional ang disenyo ng bahay ni Alice at mapapansin na dominated ng puti ang kulay ng kanilang dingding sa loob at maging ang mga kasangkapan at gamit.

Ipinasilip rin niya ang kanilang kitchen at bedroom kung saan umano siya madalas mag-relax.

“I like this room the best because this is the most serene, it’s the most calming and it’s the most quiet,” ani Alice sa kanilang bedroom.

Screenshot mula sa YT vlog ni Alice

Bukod dito mayroon ding napakagandang view ng Boracay ang kanilang balcony kung saan makikita ang beach at mga hanay ng punong niyog sa baybayin nito.

“You can see the waterline, that’s where sunset view’s good. So we get the morning sun and they get the sunset,” bahagi pa ng beteranang aktres.

Ibinahagi rin niya rin sa kaniyang vlog ang view ng Boracay mula sa kanilang bahay kapag gabi na.

Panoorin ang buong vlog ni Alice:

Loading…