American actress na si Alyssa Milano nalulugas ang buhok dahil sa COVID-19

Imahe mula sa Instagram account ni Alyssa Milano
  • Buhok ni Alyssa Milano nalulugas dahil sa COVID-19
  • “Telogen effluvium” ang tawag sa paglulugas ng buhok ng aktres
  • Isa umano itong response ng immune system mula sa reaksyon ng katawan sa mikrobyo
  • Tutubo pa rin nang normal ang buhok ng aktres paglipas ng ilang buwan, sabi ng eksperto

Nang unang tamaan ng coronavirus ang American actress na si Alyssa Milano noong buwan ng Marso, nakitaan siya ng mga sintomas na karaniwang palatandaan ng COVID-19 – lagnat, sakit ng ulo, loss of smell, hirap sa paghinga at diarrhea.

Imahe mula sa Instagram account ni Alyssa Milano

Akala raw niya ay matutuluyan na siya noon.

Nagtuloy-tuloy daw ang mga sintomas na iyon at nadagdagan pa ng vertigo, heart palpitations, memory loss at pagkalito.

May good news namang hatid ang aktres na bumida sa ilang TV series gaya ng ”Who’s the Boss,” “Melrose Place” at “Charmed.” Aniya, sa wakas ay pagaling na siya. Pero may bad news din – nalulugas daw ang buhok niya dahil sa pakikipagbuno sa COVID-19.

“This is my hair loss from COVID-19,” pahayag ni Alyssa sa video na ibinahagi sa Twitter.

Gamit ang isang detangler brush, ipinakita ng aktres ang dahan-dahan niyang pagsuklay sa mahaba niyang buhok. Ilang saglit lang ay ipinakita niya ang maraming hibla ng buhok na nalugas.

“I just wanted to show you the amount of hair that is coming out of my head as a result of COVID,” aniya.

Screenshot mula sa video ni Alyssa Milano

Ipinaliwanag ng isang eksperto ang nangyayaring pagkalugas ng buhok ng aktres.

“Telogen effluvium” daw ang tawag doon sabi ni Dr. Patrick Angelos, isang board-certified plastic and reconstructive surgeon sa Charleston Plastic Surgery sa South Carolina.

Isa raw itong kondisyon na ang palatandaan ay temporary hair loss. Hindi raw COVID-19 ang direktang sanhi nito, kundi ang “immune and systemic” response dahil sa reaksyon ng katawan sa coronavirus.

May magandang balita si Dr. Angelos kay Alyssa Milano. Hindi naman daw malulugas ang lahat ng buhok ng aktres.

Screenshot mula sa video ni Alyssa Milano

“It can be disconcerting to see large amounts of hair falling out. But they will be replaced with new hair, and the areas of loss will be filled in again,” anang doktor.

Sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon ay babalik na sa normal ang pagtubo ng buhok.

Dahil sa nangyayari sa kanya, pinayuhan ni Alyssa ang publiko na magsuot ng face mask para iwas-COVID-19.

Loading…