Ano-ano nga ba ang mga benepisyo sa “power naps o idlip?

  • May benepisyo ang power nap o idlip
  • Kailangang-kailangan ito ngayon lalo na’t madalas ay nakatutok ang mga mata ng tao sa monitor ng kanilang desktop computers, laptops, at gadgets
  • 20 minuto hanggang 60 minutong idlip ay sapat na

Mahilig ka rin ba sa power naps o idlip?

Sa panahon ng pandemya at pagtalima sa community quarantines, halos lahat ng mga trabaho, klase, at mga transaksyon ay online na.

Minsan, hindi na napapansin ng mga tao na matagal na silang nakababad sa screen ng kanilang mga desktop computers o laptops. Hindi na pinapansin kung dapat na bang ipahinga ang mga mata kahit inaantok na, na nagsisilbing signal ng mga mata para sabihin sa ating ipahinga siya.

Public Domain Image

Ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng GMA News ang mga benepisyong maaaring makuha sa power naps o idlip, na maaaring ibinatay sa pahayag ng National Sleeping Foundation. Ayon dito, sapat na ang 20 minutong saglit na power nap o pag-idlip sapagkat napanunumbalik nito ang pagiging alerto ng isipan at motor learning skills kagaya ng pagta-type sa mga keypads ng computers o laptops, o pagtugtog ng piano.

Kung lalagpas naman ng 20 minuto ang power naps, maaari nitong mahasa pa ang memorya at pagkamalikhain ng isang tao, bagay na bagay sa mga manunulat o gumagawa ng kanilang mga report o visual materials.

Kung nakatakda ka namang magpasya nang mabigat sa iyong trabaho o makabisado ang mga direksyon o panuto, makabubuti raw ang pag-idlip sa loob ng 30 hanggang 60 minuto o kalahati hanggang isang oras. Nakawawala rin ito ng stress o pagkapagod at maiiwasan pa ang pagkakaroon ng problema sa puso.

Subalit ayon naman sa National Sleeping Foundation, tiyakin ding kapag iidlip ay malayo ito sa nakatakdang oras ng pagtulog sa gabi, dahil baka naman maging dahilan ito upang hindi makatulog at mapuyat pa.

Public Domain Image

Hangga’t maaari, iwasang gumamit ng gadgets kapag matutulog na dahil ang pagkababad o exposure ng mga mata sa ilaw na inilalabas ng mga monitor ng devices ay maaaring magdulot ng hirap sa pagkakahimbing. Kung nagpapaantok naman, maaaring magbasa ng anomang nakalimbag na babasahin kagaya ng magasin o aklat.

Loading…