Ano kaya ang susunod? Matapos ang ostrich sa QC at baboy sa Cebu, baka naman sa Iloilo ang nag-viral

Screenshot mula sa Facebook
  • Nag-viral sa social media ang sunod-sunod na nakawalang hayop sa kalsada
  • Una ay ang ostrich sa QC na sinundan ng baboy sa Cebu at pagkaraan ay baka naman sa Iloilo
  • Hinuhulaan na ng mga netizens ang susunod na hayop na makakawala

Sa loob lamang ng dalawang araw, tatlong hayop ang sunod-sunod na sumikat sa social media na naghatid ng tuwa at katatawanan sa mga netizens; dahilan upang sandaling makalimutan ang suliraning dala ng umiiral na pandemya.

Una rito ay ang dalawang ostrich na nakawala sa loob ng isang subdivision sa Quezon City. Nag-viral pa sa Facebook ang video ng dalawang higanteng ibon habang tumatakbo sa kalsada.

Sinundan ito ng isang baboy na nakawala naman sa ibabaw ng isang flyover sa lungsod ng Cebu nitong Miyerkules. Hinahabol ng dalawang lalaki ang hayop na tila ba tumatakas mula sa tiyak na kapalaran – ang maging litson.

Screenshot mula sa TY video ng GMA News

Nahuli naman kaagad ang baboy bago pa ito magdulot ng matinding trapik at panganib sa mga motorista, ayon sa Cebu City Transportation Office.

Sa hindi pa malamang dahilan, isa namang baka ang nakawala sa kalsada ng Iloilo at nakipagpatintero sa mga sasakyan. Nakunan rin ng video ng netizen na si Bep Chavez ang baka na hinahabol ng dalawang pulis.

Hindi pa maipaliwanag kung paano napunta sa kalsada ang nasabing baka.

Dahil sa magkakasunod na pangyayari, hinuhulaan na ng mga netizens ang susunod na hayop na makakawala sa lansangan. Lol

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Ang iba naman ay hindi maiwasang iugnay sa kasalukuyang isyu sa gobyerno ang pangyayari. Heto ang ilan sa mga komento:

“Bakit ‘yung mga buwaya pagala gala lang sa gobyerno. ‘Yung iba nasa philhealth lang. hindi hinuhuli.” Ang isa naman ay nagsabi din ng: “Dapat ‘yung mga buwaya naman na nakaupo sa gobyerno ang sunod na habulin nila.”

“’Yung mga buwaya sa philhealth kailan kaya hahabulin sa kalsada?”

“Abangan n’yo sa 2022 maraming hayop ang tatakbo at lalabas ng kalsada.”

“Sana dragon naman,ang gagala para walang lalabas, joke.” hahaha

Loading…