Ano nga ba ang kahulugan ng paglakad sa likod ng mga taga-Kiribati?

  • Pinag-usapan ang isang larawan ng Chinese ambassador na naglalakad at tumutulay sa ibabaw ng likuran ng mga taong nakadapa sa lupa
  • Paliwanag ng mga taga-Kiribati, ito ay tradisyonal nilang seremonya ng mainit na pagtanggap sa kanilang mga panauhin, lalo na kung mga diplomat
  • Hindi raw ito dapat masamain ng iba lalo na kung wala namang alam sa kanilang kultura

Nabigyan ng ibang interpretasyon ng mga netizens ang mga larawang nagpapakita ng paglakad ni Chinese ambassador Tang Songgen sa likod ng mahigit 30 katao habang magkakadikit na nakadapa sa sahig, sa isang liblib na isla sa Kiribati, matapos ang kaniyang pagbaba mula sa eroplano.

Para sa ilang mga opisyal ng pamahalaan sa America at Australia, ito ay simbolo ng pagiging dominante, arogante, at kapangyarihan ng pamahalaan ng China na isa sa mga maituturing na makapangyarihan at maimpluwensiyang bansa sa Asya at buong mundo.

Public Domain Image

Ngunit para sa mga taga-Kiribati, ito ay walang kahulugan kundi paggalang at pagtanggap lamang sa isang panauhin sa kanilang bansa o welcome ceremony. Tradisyon na raw nila itong ginagawa, lalo na sa mga kasalan, ngunit hindi naglaon ay ginagawa na rin nila sa mga seremonya ng pagtanggap sa mga panauhing matataas na tao lalo na kung diplomat.

“We normally welcome VIPs from other countries in this way and we have done this for a long time. You can see this pattern in some local weddings as the family of the groom may lie down and ask the bride to walk on their backs to show their hospitality and welcome to the bride to become part of the family,” paliwanag ng isang lokal.

Turan naman ng isa pang residente roon, “”It’s a local custom in the area. If he had refused, the ambassador would have insulted the locals. Accepting means ending up with pictures like this. I’m not a fan of China at all, but I wouldn’t know what the best approach would be in this situation.”

Ang Kiribati, na dating kolonya ng Great Britain, ay binubuo ng 33 pulo na nakakalat sa 1.4 million square miles ng karagatan.

Public Domain Image

Ang mga Pilipino ay kilala rin sa katangiang “hospitality” o mainit sa pagtanggap ng mga panauhin lalo na sa mga dayuhan, na may bentahe at di-bentaheng epekto sa bansa.

Loading…