Apela ng mga health workers na ibalik sa ECQ ang Metro Manila pinaaaksyunan ni Pang. Duterte sa IATF

Imahe mula sa PCOO
  • Pinaaaksyunan ni Pang. Duterte ang apela ng mga health workers na ibalik sa ECQ ang Metro Manila
  • Inatasan na ng Pangulo ang IATF na gumawa ng hakbang sa panawagan ng mga medical organizations
  • Nais iparating ng mga healthcare frontliners sa pamahalaan na sila ay talagang napapagod na dahil sa dami ng mga COVID-19 cases sa bansa

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force (IAT) for the Management of Emerging infectious Diseases na gawan ng aksyon ang apela ng ilang grupo ng mga doktor na muling ibalik sa mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Imahe mula sa PCOO

Hiniling kamakailan lang ng 80 medical associations na kinabibilangan ng libo-libong mga doktor na muling isailalim sa ECQ sa loob ng dalawang linggo ang Metro Manila upang mabigyan ang mga health care frontliners ng pagkakataong makapagpahinga.

“Ang gusto po naming iparating na ang health care natin ngayon, lalong lalo na po kaming mga frontliners, ay talagang napapagod na,” sabi ni Philippine College of Physicians vice president Dr. Marircar Limpin.

Sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na nag-utos na si Pres. Duterte na agad aksyunan ang panawagan ng mga health care frontliners.

“President Rodrigo Roa Duterte has heard the concerns of the medical community and the Chief Executive has directed the Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases to act on these concerns immediately,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Imahe mula sa PCP

Sinabi pa ni Roque na nagpapasalamat at kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan ng mga health care frontliners sa pakikibaka laban sa COVID-19.

“The Palace considers our skilled, tireless, and dedicated healthcare workers as important frontliners in the battle against COVID-19. We are grateful for their immense contributions to heal our people and our nation during these difficult times,” aniya.

“Your voices have been heard. We cannot afford to let down our modern heroes. This is our commitment,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa PCOO

Aniya, muling pag-uusapan ng IATF ang karaingan ng mga medical frontliners.

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine. Tatagal ito ng hanggang August 15.

Loading…