Archdiocese of Manila tumugon sa apela ng health frontliners; public religious activities sususpendihin

Imahe mula sa Archdiocese of Manila-Office of Communications
  • Pansamantalang sususpendihin ng Archdiocese of Manila ang mga public religious activities nito mula August 3 hanggang August 14
  • Muli itong magpapatupad ng ECQ protocols
  • Ang hakbang ng Archdiocese of Manila ay bilang tugon sa panawagan ng mga health frontliners na ibalik sa ECQ ang Metro Manila

Pansamantalang ititigil ng Archdiocese of Manila ang mga public religious activities nito bilang tugon sa panawagan ng mga health workers na ibalik ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Imahe mula sa Archdiocese of Manila-Office of Communications

Sa isang pastoral instruction na inilabas ni Bishop Broderick Pabillo, sinabi niya na ang lahat ng mga simbahan at shrines ng Archdiocese of Manila ay muling magpapatupad ng mga ECQ protocols simula August 3 hanggang August 14.

“As a response to the call of our medical people, all the churches and shrines in the Archdiocese of Manila will revert to the period of the ECQ protocols. We will not hold public religious activities from August 3 to August 14 but we continue our online religious activities. We will also use this time to evaluate our church response to the pandemic and see how we can improve them,” saad ni Bishop Pabillo sa pastoral instruction.

Ang ibig sabihin nito ay wala na munang malakihang pagtitipong pang-relihiyon tulad ng misa.

Paglilinaw ni Bishop Pabillo, ang online mass ay magpapatuloy.

Imahe mula sa Archdiocese of Manila-Office of Communications

“We understand that they call for this not only for their own respite, though they truly need one. We echo their call that each individual and each family take seriously the health protocols to keep safe, such as the proper use of face masks, the required physical distancing, the frequent hand washing, and not going out of the house unless truly necessary,” anang Obispo.

Nauna nang nanawagan ang ilang medical organizations kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa ECQ ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo upang maampat ang patuloy na pagdami ng COVID-19 cases at magkaroon na rin ng pagkakataong makapagpahinga ang mga health care frontliners.

Positibo naman ang naging tugon ng Pangulo sa panawagan at inatasan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na gumawa ng agarang aksyon hinggil sa apela ng mga health care frontliners.

Imahe mula sa PCOO

Loading…