Arnold Clavio nag-post ng Bible verse, mga netizens nag-react

Imahe mula sa My Daily Shepherd/Instagram
  • Nananatili pa ring mainit sa social media ang isyu tungkol kay Arnold Clavio
  • Matatandaang isiniwalat ni Sarah Balabagan na si Arnold Clavio ang ama ng anak niyang panganay
  • Maraming netizens ang nag-react nang mag-post si Igan ng Bible verse sa social media kasunod ng pagbubulgar ni Sarah Balabagan

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas simula nang ibunyag ni Sarah Balabagan na si Arnold Clavio ang ama ng panganay na anak, ngunit nananatili pa ring tahimik ang veteran broadcast journalist hinggil sa kontrobersya.

Imahe mula sa Akosiigan Instagram page

Habang pinagpipiyestahan sa social media ang mainit na isyu tungkol sa kanya ay tila hindi nagpapaapekto si Igan; bansag kay Clavio. Nagawa pa nga niyang mag-post sa social media ng pagpapaayos niya ng kanyang buhok sa isang sikat na salon.

Pinayuhan na siya ng kapwa journalist na si Jay Sonza na mas makabubuting magsalita na siya dahil hindi naman iyon kabawasan sa kanyang pagkalalaki. Ani Sonza, kung hindi ito magagawa ni Igan ay mas mabuti pang maglaho na lang siya sa mata ng publiko.

BASAHIN: Jay Sonza may payo kay ‘Igan kaugnay ng Sarah Balabagan issue: ‘Speak up or simply vanish’

Tulad ng payo ni Jay Sonza, sinabihan din ni Ben Tulfo ng “Bitag” si Clavio na magsalita na para matuldukan na ang isyu. Bilang isang public figure, dapat daw magpaliwanag ni Igan sa mga tao.

BASAHIN: Ben Tulfo on Arnold Clavio issue: “Kung nasa Amerika tayo, nasibak na tayo” 

Imahe mula sa Akosiigan Instagram page

Sa kabila ng mga panawagang nabanggit ay wala pa ring narinig mula kay Clavio na nananatili namang aktibo sa social media.

Kamakailan ay nag-post si Igan ng isang Bible verse.

“And you will know the truth, and the truth will set you free. John 8:32 Thank you,” post niya sa Instagram ilang araw makalipas ang pagsisiwalat ni Sarah Balabagan.

I-CLICK ang Imahe mula sa Akosiigan Instagram

Maraming netizens ang nag-react nang sabihin sa The Thinking Pinoy Facebook page na nag-post si Arnold Clavio ng Bible verse. Batay sa kanilang mga reaksyon, iniugnay ng mga social media users ang post ni Igan sa isyung isiniwalat ni Sarah Balabagan.

May ilan pang nagtanong kung bakit hindi ibinabalita ng network na kinabibilangan ni Igan ang tungkol sa isyu.

Loading…