Atty. Larry Gadon ipinaliwanag ang viral na larawan

Imahe mula sa Facebook
  • Nag-viral ang mga larawan ni Atty. Larry Gadon kung saan makikitang sa halip na isuot ang face mask ay idinikit niya ito sa face shield
  • Paliwanag niya, kailangan lamang ng mask kapag nasa enclosed spaces
  • Nanindigan naman si Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nakatutulong ang face mask, face shield, at physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng virus

Nagpaliwanag si Atty. Larry Gadon matapos ulanin ng batikos nang makuhanan ng larawan kung saan ay makikitang nakadikit sa face shield ang kanyang face mask imbes na isuot niya ito nang tama at maayos.

Imahe mula sa Twitter | Ted Pylon

Naniniwala raw si Gadon na hindi ganoon ka-importante ang face mask lalo na at may mga pag-aaral umano na nagsasabing kailangan lamang magsuot nito kapag nasa enclosed spaces.

“Pero kapag ikaw ay nasa labas, hindi mo kailangan ng mask. O kaya, mag-face shield ka na lang,” giit niya. “Ang mask, hindi naman talaga ganoon ka-importante iyan.”

Nagagamot din daw ang COVID kaya hindi ito dapat magdulot ng sobrang pagkatakot.

“Sobra-sobra na ang paranoia dito sa COVID. Sobrang pananak0t na… Ngayon naman ay curable na ang COVID. In fact, mas marami ang gumagaling sa bahay kaysa ospital,” paliwanag pa niya.

Nagdikit daw siya ng face mask sa kaniyang face shield upang hindi kaagad makilala ng publiko.

Imahe mula sa Facebook | Atty. Larry Gadon

“Kaya ko dinidikitan ‘yan, para hindi ako kaagad makilala kasi nga, ang dami-daming nagpapa-picture. ‘Pag nakita ako sa labas, tumatakbo. Mga kotse kung minsan tumitigil para lang magpa-picture,” paglalahad ni Gadon.

Paalala naman ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, hindi dapat gawing biro ang pandemya.

“This is not a joking matter. Alam ng mga tao na merong namamatay, merong nagkakasakit, nagsa-suffer ang economy. And the only way for us to fight and to overcome this situation is lahat tayo magtutulungan. ‘Yong mga ganitong statement is not helping us at all,” aniya.

Nanindigan din si Vergeire na ang pagsusuot ng face mask, face shield, at pagsunod sa physical distancing ay nakatutulong upang maiwasan ang pagkalat ng COVID.

“Sana po makinig lang po tayo sa accurate information, sa tamang information. This is not a joking matter so sana po lahat ng tao maintindihan nila kung ano ang magiging implikasyon kapag nagsasalita sila in public because people might be following them.”

Loading…