Awra Briguela, walang dapat ihingi ng sorry sa cornrow hairstyle na ibinida sa social media

Imahe mula sa Instagram account ni Awra Briguela
  • Awra Briguela humingi ng paumanhin dahil sa kanyang cornrow hairstyle
  • May nagsabi umano sa kanya na may mahabang kasaysayan ng diskriminasyon ang naturang hairstyle
  • Maraming netizens naman ang nagsabing wala siyang dapat ihingi ng paumanhin

May mga social media users na nagulat sa isang Twitter post ni Awra Briguela kung saan humingi siya ng paumanhin sa cornrow hairstyle na ibinida niya sa kanyang Instagram account.

Imahe mula sa Instagram account ni Awra Briguela

“Hi, I just wanted to apologize for my recent post. I wasn’t fully aware that cornrow hairstyle has a long history of discrimination. I sincerely apologize for this mistake and I hope we all learn from this. Thanks to everyone who reached out and educated me,” saad ni Awra sa kanyang Twitter post noong August 27.

Hindi malinaw kung sino ang nagsabi sa kanya na mali ang ginawa niyang pagkakaroon ng cornrow hairstyle.

Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens na humanga pa nga sa ganda ng kanyang hairstyle.

“I read an article about you apologizing for “cultural appropriation”.. I don’t see anything wrong, in fact African people pa nag-braid dito sa mga beach sa Italy and they didn’t talk or discuss their culture or history ng ganyan hairstyle.”

“Awra you look so pretty in your braid!”

“Your hairstyle has been used for fashion so many times.”

Screenshot ng tweet ni Awra Briguela

May isa pang nagkomento na sana raw ay huwag i-delete ni Awra ang litrato niya na naka cornrow hairstyle.

Ang cornrows ay tradisyunal na hairstyle sa iba’t ibang panig ng mundo na nagsimula pa umano noong 3,000 B.C. Nakita ang depiksyon nito sa mga paintings na ginawa noon pang Stone Age na natagpuan sa Tassili Plateau sa Sahara.

Imahe mula sa Instagram account ni Awra Briguela

Ang cornrows din ang paboritong hairstyle ng mga mandirigma at mga hari noong unang panahon.

Naging kontrobersyal ang cornrow hairstyles dahil may ilang kumpanya at unibersidad sa Amerika na nagsasabing hindi iyon angkop sa workplace at sa paaralan. Inalmahan ito ng ilang mga empleyado at civil rights groups dahil cultural bias ang ginagawa ng ilang employers at school officials.

Noong 2011 naman, nagdesisyon ang High Court sa United Kingdom laban sa isang paaralan na ayaw papasukin ang isang estudyante na naka-cornrows.

Imahe mula sa Harper’s Bazaar

Ayon sa paaralan, labag daw iyon sa ipinatutupad nilang “short back and sides haircut.” Bawal din daw ang style na nagpapahiwatig ng pagiging miyembro ng gang. Ngunit sinabi ng High Court na ini-express lang ng estudyante ang isang tradisyon at dapat iyong tanggapin ng paaralan.

Loading…