Ayala Corp magtatayo ng dalawang malalaking solar plants sa Central Luzon

Imahe mula sa ACEN
  • Target ng Ayala Corp Energy Philippines na maging pinakamalaking renewables company sa buong Southeast Asia
  • Nakatakda itong magtayo ng dalawang malalaking solar plants sa Central Luzon
  • Hinahangad ng ACEN na magkaroon ang kumpanya ng 5,000 MW renewables capacity sa taong 2025

Nakatakdang magtayo ng dalawang malalaking solar farms ang AC Energy Philippines (ACEN), ang power generation arm ng Ayala Corporation, sa Central Luzon sa layuning maging pinakamalaking “listed renewables company” sa buong Southeast Asia.

Imahe mula sa ACEN

Sa ginawang disclosure sa stock exchange noong Miyerkules, August 19, sinabi ng  AC Energy Philippines na aprubado ng company board ang dalawang solar farms na ang halaga ay aabot sa P6.1 billion.

Inaasahang aabot 150 megawatts (MW) ang energy output ng dalawang solar farms pagdating ng 2022.

“While we are facing significant challenges amidst the current crisis, ACEN remains committed to investing in the country and drive renewables expansion. We take the long view when investing, and we also recognize that investments are very much needed urgently to help reignite the economy and create jobs. This is the true meaning of sustainable investing,” pahayag ni ACEN President and CEO Eric Francia.

Ang unang solar plant na may 75 MW capacity ay itatayo sa Arayat at Mexico sa Pampanga. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P3.3 billion. Inaasahang sa fourth quarter ng 2021 magsisimula ang power generation ng planta. Kasosyo ng ACEN dito ang Citicore Renewable Energy Corporation.

Imahe mula sa ACEN

Ang ikalawang solar plant na may 75 MW capacity ay sa Palauig, Zambales itatayo. Fully owned ito ng ACEN at nagkakahalaga ng P2.9 billion. Inaasahang makukumpleto ito sa 1st quarter ng 2022.

Target ng ACEN na maabot ang 5,000 MW renewables capacity sa pamamagitan ng mga proyekto nito sa loob at labas ng bansa sa taong 2025.

Loading…