Babaeng umorder ng P7K g-chair online maruming damit ang natanggap

Image by Ma Sienaden via Facebook
  • Sabik ang isang babae sa pagdating ng P7K-worth na gaming chair na ireregalo niya sa boyfriend para sa kanilang anniversary
  • Araw-araw nilang tina-track ang order sa loob ng dalawang linggo
  • Isang maruming damit ang dumating

Ang pagkasabik ng isang babae sa pagdating ng inorder nitong P7,000.00-worth na gaming chair na ireregalo sana niya sa kanyang boyfriend sa anniversary nila ay napalitan ng pagkadismaya makaraang isang maruming damit ang nakarating sa kanya.

Image by Ma Sienaden via Facebook

Pagbabahagi ni Ma Sienaden sa Facebook, umorder siya ng gaming chair noong August 8 at binayaran nang buo sa pamamagitan ng debit card dahil walang cash-on-delivery option sa produkto.

Excited pa naman sila ng boyfriend niya, aniya, at araw-araw nilang tina-track ang order sa loob ng nasa dalawang-linggo yamang nakasaad sa website ng shopping platform na galing pa sa ibang bansa ang upuan.

“Anniv gift ko sa boyfriend ko sana kaya sobrang nakakaiyak. Excited kameng everyday na nag ta track ng order nmin since overseas sya kaya given na matatagalan pero never did I imagined na ganino pala ang matatanggap ko,” sabi ni Ma Sienaden.

Pagkukuwento pa nito, tiningnan niya ang review ng seller at shop nito, siniguro sa kanya ng seller na gaming chair ang ipadadala sa kanya at nagkausap pa sila bago niya bayaran ang produkto.

Kamakailan lamang, batay sa update, nakatanggap siya ng tawag mula sa shopping platform at sinigurong maibabalik sa kanya ang perang ipinambili.

Sinabi pa ng platform na gumagawa na sila ng internal investigation patungkol sa pangyayari.

Image by Ma Sienaden via Facebook

Nag-trending naman ang update ni Ma Sienaden na nakakuha na ng higit 1,600 reaksyon at nasa 1,700 pagbabahagi habang ipino-post ito.

Sa ngayon ay wala na ang store na inirereklamo sa website ng platform. Payo ng ilang netizen, palaging piliin ang cash-on-delivery option at surring mabuti ang profile ng nagtitinda.

Sana’y matigil na ang mga ganitong pangyayari.

Photo from Pixabay
Source :

Facebook

Loading…