Baboy na namataang tumatakbo sa isang flyover sa Cebu City nagdulot ng trapiko

Screenshot mula sa video ni Adnan Pasacum
  • Isang biik ang nagdulot ng trapiko sa Cebu City
  • Namataan ang biik na hinahabol ng mga tao sa ibabaw ng isang flyover
  • Sa Quezon City, dalawang ostrich naman ang nakitang tumatakbo sa loob ng isang subdivision

Isang maliit na baboy o biik na nakawala mula sa kulungan nito ang nagdulot ng pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa Cebu City dakong alas-otso y media ng umaga nitong Miyerkules, ika-5 ng Agosto.

Screenshot mula sa video ni Adnan Pasacum

Ilang motorista ang tumigil para mabigyang-daan ang mga taong humahabol sa biik na namataang tumatakbo sa northbound lane ng flyover sa Barangay Banilad. Kinunan ng video ng isang driver ang  eksena. Hindi malinaw kung saan nanggaling ang biik o kung agad bang nahuli iyon ng mga humahabol.

Kuwento ng driver, inakala raw niyang nagkaroon ng aksidente sa ibabaw ng flyover dahil nakita niya ang ilang taong nagtatakbuhan. Ilang saglit pa ay nakita niya ang biik.

“At first I thought it was an accident kay people were looking down sa flyover then a guy was running up sa bridge nga murag something na kinanglan ug attention. But suddenly a pig appeared,” sabi ni Adnan Pasacum, ang driver na kumuha ng video.

Ibinahagi niya ang video sa Facebook at nilagyan ng caption na “Kung sa Luzon may ostrich, sa Cebu naman may piglet.” Lol

Screenshot mula sa video ni Adnan Pasacum

Basahin: “Jumanji” ba? Dalawang ostrich na namataang tumatakbo sa isang subdivision, nahuli na”

Ang ostrich na tinutukoy ni Pasacum ay ang dalawang ostrich na nakitang tumatakbo sa loob ng isang subdivision sa Quezon City noong Martes. Ayon sa mga opisyal ng homeowners association, nakawala ang dalawang ostrich mula sa nababakurang lote na pag-aari ng isang residente.

Imahe mula sa DF Buzz

Dahil sa magkasunod na kakatwang pangyayari, ilang netizens ang nagkomento na sigurado raw na may naglalaro ng “Jumanji.”

Ang “Jumanji” ay isang fictional video game mula sa American movie na may kaparehong pamagat kung saan ang players nito ay napupunta sa isang mala-gubat na alternate world at ang mga hayop sa alternate reality ay napupunta rin sa real world.

Panoorin!

Loading…