Bago at mas maliwanag na ilaw sa España, hinangaan ng mga netizens

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Isko Moreno
  • Pinasinayaan na ang mga bagong ilaw sa España Boulevard
  • Ibinahagi ang mga larawan nito ni Mayor Isko sa kaniyang Facebook
  • Pinuri naman ng netizen ang magandang pagbabago sa lugar

Isa ang España Boulevard sa pinakakilalang kalsada sa Lungsod ng Maynila; hindi lamang dahil sa madalas na pagbaha doon kung hindi dahil dito rin matatagpuan ang pinakaunang unibersidad sa Asya – ang University of Santo Tomas o UST.

Bahagi rin ito ng tinaguriang ‘university belt’ kung saan makikita ang mga pangunahing unibersidad at kolehiyo sa lungsod.

Imahe mula sa Facebook|Donnel Dagdag

Dahil sa maraming tao, na karamihan ay estudyante na madalas maglipana sa kahabaan ng España, naging pugad din ang kalsada ng mga masasamang loob na lalo sa gabi.

Dahil dito, nagpasya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawing mas maliwanag ang lugar sa pamamagitan ng pagpapalit at pagdagdag ng mga street lights doon.

Nitong Lunes, ibinahagi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno’ Domagoso na katatapos lang ng nasabing proyekto at sinindihan na ang mga bagong tayong ilaw.

Imahe mula Facebook|Lhou Belt

Sakop ng bagong pailaw ang kalsada mula sa Welcome/Mabuhay Rotonda hanggang Morayta na may kabuuang haba na 1.9 kilometro.

“Before and after: España Boulevard. Pinailawan mula Rotonda hanggang Morayta, 1.9 kilometers ang haba. Thank you Sec. Villar and DPWH!” bahagi ni Mayor Isko sa kaniyang Facebook na may kasamang mga larawan ng España.

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang nakitang magandang pagbabago sa lugar.

“Naalala ko back in college, pag kumagat na ang dilim, takbo ka na pag nasa España ka pa. Ngayon mukhang mapapa-walking on sunshine na sa liwanag,” ayon sa isang commenter.

“Ito yung mga basic na bagay na hindi mo maintindihan kung bakit hindi naiisip ng karamihan sa pulitika…” wika naman ng isa.

Imahe mula Facebook|Don Musngi

“Nice naman Mayor Isko. Lumiliwanag na at gumaganda na ang ka Maynilaan… kahit may pandemic tuloy tuloy lang ang ating mga gawain… it seems malapit na ang ber month.. thank you Mayor God First…Keep safe,” dagdag naman ng isa pa.

Hindi rin maiwasan ng ibang netizens na ikumpara ang mga ganitong pagbabago sa kanilang sariling lungsod o bayan.

Anila: “Kahit taga QC kami talagang kitang kita ang improvement ng MAYNILA ang business kasi nmin ay dun congrats YORME sa kasipagan at pag alala sa mga tao khit alam mong delikado ay talagang ginagampanan mo pa rin ang iyong tungkulin sa BAYAN Stay safe always n GODBLESS.”

Imahe mula Facebook|Jeru Corruz Bulawan

“WOW – Impressive! – wish they’d do that too in GMA Cavite area – we witnessed it was always pitch black when people/vehicles pass through at night.”

“Sana ma adopt yan ng Mayor ng Malolos City. Madami ng establishmenfs dto pero andito din ang Kapitolyo kung saan andun ang opisina ng governor pero wala silang pakialam. Sobrang dilim ng kalsada tuwing gabi walang ilaw mga poste. Hintayin ba nating may mangyaring aksidente?!”

Loading…