Bagong bihis na Lagusnilad underpass pinasinayaan; Yorme may mensahe sa mga vandals

Imahe mula sa Manila PIO
  • Pinasinayaan ni Mayor Isko Moreno ang newly-rehabilitated Lagusnilad Underpass nitong Lunes ng umaga, August 24, 2020
  • Ang bagong-bihis na underpass ay babantayan ng security personnel araw-araw, bente kwatro oras
  • Nakiusap si Yorme sa publiko na gamitin nang tama ang underpass at proteksyunan

Ginanap noong Lunes ng umaga, August 24, ang inagurasyon ng newly-rehabilitated Lagusnilad Underpass o Manila City Hall Underpass sa pangunguna ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Imahe mula sa Manila PIO

Ayon sa Manila City government, ang bagong-bihis na underpass ay idinisenyo ng ilang alumni mula sa University of Santo Tomas, kabilang sina Architect Juanito Malaga, John Fallorina, Sean Ortiz at Leon Tuazon, sa pakikipagtulungan ng Department of Engineering and Public Works ng Lungsod ng Maynila.

BASAHIN: Renovated Manila underpass, mukhang pang-world class

Ang mga mural at bas-relief artworks ay nagawa naman sa pakikipagkolaborasyon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at sa mga NCCA Gerilya artists na ang inspirasyon ay ang mga likha ng muralist na si Botong Francisco.

Bente kwatro oras na babantayan ng mga security personnel ang underpass. Mayroon ding mga CCTV na nakakabit at konektado sa command center ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

Imahe mula sa Manila PIO

Nanawagan si Yorme sa publiko na gamitin ng tama ang underpass at tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan niyon.

“Here we are today, an underpass undisturbed, no obstruction unlike before. Malinis, maaliwalas. Gamitin nila nang tama at sana proteksyonan nila,” anang alkalde.

Mayroong ding pakiusap si Mayor Isko sa taong gumagawa ng bandalismo.

Screenshot mula sa GMA video

“Ngayon, kung sakali mang artistic sila, sana huwag na nila dalhin dito ang pagiging artistic nila. Bring it somewhere else, not in Manila. “’Yun lang naman ang pakiusap ko sa kanila,” mensahe niya sa mga vandals.

Matatandaang nadismaya si Mayor Isko noong nakaraang taon nang ang newly-painted walls ng Lagusnilad underpass ay ginawan ng mga bandalismo ng grupong Panday Sining.

Loading…