Bagong Instagram posts ni Clint Bondad, muling ‘nagpakilabot’ sa mga netizens

Screenshot mula sa Instagram post ni Clint Bondad
  • Muling nagbahagi ng mga misteryosong post si Clint Bondad sa Instagram
  • Tila may ‘madilim’ na pahiwatig ang kaniyang pinakahuling Instagram post
  • Hindi rin nakatulong ang kaniyang mga misteryosong sagot sa mga tanong ng netizens

Muling binulabog ni Clint Bondad ang kaniyang mga followers sa Instagram matapos magbahagi ng larawan na tila hindi mawari ang kahulugan.

Dagdag pa rito ang mga misteryosong sagot niya sa mga komento ng netizens sa kaniyang post.

Nitong Sabado, ibinahagi ng actor-model ang larawan ng isang babaeng may ulo ng hayop na may sungay. Mayroon itong caption na “What sin do I bring 4 U. If not excitement. No one likes 2 resist curiosity.”

Dahil mistulang may ‘maitim’ na kahulugan ang kaniyang pinakahuling post, hindi maiwasang may magtanong sa kaniyang mga followers.

Ang isa ay nagtanong kung siya ay kasapi ng mason. Simpleng sagot lang ni Clint ay: “read their rules”

Mayroon namang nag-alala sa kalagayan ni Clint. Wika ng isang commenter, “Stay safe stay strong stay on God Jesus Christ. Be peaceful and happy.”

Sinagot naman ito ng dating kasintahan ni Catriona Gray na: “that’s a lot 2 remember.”

“Do not follow the demons, do you think that hell is cool?” ayon naman sa isa pa. Sagot ni Clint dito ay, “cool? No.”

Screenshot ng Instagram post ni Clint Bondad

Sa isa pang larawan ay makikita si Clint Bondad na balbas-sarado at nakaupo sa likod ng isang puting mesa. Mayroon itong caption na “Beelzebub has arrived in the Kingdom.”

Mayroon namang pinuna ang kaniyang post na ‘boring’ umano. Sinagot naman agad ito ng aktor na “haha u are insulting ur self right now. Try 2 understand this. hope u get it.”

“Why don’t you seek God instead of posting like that? God Loves you sir clint,” payo naman ng isa pang nag-comment.

Dito ay may maikling sagot lang ang actor-model: “who said I don’t.”

Screnshot ng Instagram post ni Clint Bondad

Simula nang lumabas sa balita ang paghihiwalay nina Clint at 2018 Miss Universe Catriona Gray, marami ang nakapansin sa tila mga misteryosong post ng aktor sa social media.

Marami rin ang nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang pag-iisip subalit tila hindi nababagabag ang aktor.

Anuman ang kahulugan ng kaniyang mga post ay si Clint lang ang nakababatid at siya lang ang makapagbibigay-liwanag dito. Umaasa naman ang kaniyang mga tagahanga na sana ay maka-move on na siya sa break-up nila ng kaniyang dating girlfriend.

Loading…