‘Bahay muna tayo’: Mayor Vico ibinalik ang ‘skeletal workforce’ sa city hall dahil sa panawagan ng frontliners

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Vico Sotto
  • Magpapatupad ng ‘skeletal workforce’ ang Pasig City simula ngayong Lunes, Agosto 3
  • Ito ang inanunsiyo ni Mayor Vico sa kaniyang Facebook page
  • Hinimok ng alkalde ang kaniyang mga kababayan na manatili na muna sa kanilang bahay

Bago pa man ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, nauna nang tumugon si Mayor Vico Sotto sa panawagan ng mga frontliners na muling higpitan ang lockdown sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Nitong Linggo ng umaga, ika-2 ng Agosto, naglabas ng abiso ang butihing alkalde sa kaniyang Facebook page tungkol sa pagbabawas ng workforce sa tanggapang lungsod ng Pasig.

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Vico Sotto

“Pasig City Hall will return to a skeletal workforce for two weeks starting tomorrow Aug. 3, 2020 until Aug. 16, 2020,” wika ni Mayor Vico.

“EXCEPT health-related offices, hospitals, peace and order offices, CSWD, and DRRMO, which will remain at full operations,” dagdag pa ng alkalde.

Inaasahang ilalabas ngayong Lunes ng city hall ang opisyal na memorandum tungkol dito.

Samantala, hinimok din ni Mayor Vico ang kaniyang mga kababayan na manatili muna sa kani-kanilang bahay maliban na lamang sa mga kailangang  pumasok sa trabaho at mga bibili ng mga kakailanganin.

“Punong-puno ang mga ospital sa rehiyon. Public and private. Let’s all do our part. Bukod sa trabaho at pagbili ng essential goods, sa bahay na lang muna tayo,” komento ng alkalde sa kaniyang post.

Screnshot ng Facebook post ni Mayor Vico

Sa pinakahuling post ni Mayor Vico, hinikayat din niya ang publiko na iwasan muna ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon na may kinalaman sa ginawang pahayag ng Pangulo. Kailangang antayin muna umano ang pormal na guidelines mula sa IATF dahil maaaring hindi ito eksaktong tulad nung naunang MECQ.

Simula sa Martes, ika-4 ng Agosto, muling ipatutupad ang MECQ sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal bilang tugon sa panawagan ng mga ‘pagod na pagod’ na medical frontliners. Mananatili ang MECQ sa mga nabanggit na lugar hanggang Agosto 18.

Loading…