Bakuna para sa COVID-19 babayaran ng ‘Pinas – Pangulong Duterte

Screesnhot mula sa RTVM facebook video
  • Hindi libre ang bakunang makukuha ng Pilipinas mula sa Russia at China, ayon kay Duterte
  • Posibleng mahal ang presyo natin kapag available na sa publiko
  • Makikiusap umano ang Pangulo sa mga lider ng Russia at China upang utangin ang bakuna

Sa panahong ito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, bakuna lamang ang tanging makapagliligtas sa sangkatauhan at ito ay hindi libre bukod pa sa posibleng mahal ang presyo sakali mang maging available na sa mga Pilipino.

Sa ginawang televised address ng Pangulo nitong Lunes ng gabi, ika-17 ng Agosto, sinabi ng presidente na makikiusap umano siya sa mga lider ng Russia at China upang makakuha ng bakuna kahit utangin pa niya ang mga ito.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

“Actually it is of no cost to anybody but for a reason that it is science and it has to be developed, there is a great expense involved,” anang Pangulo.

“I would like to thank Russia, President Putin, and China, President Xi Jinping, for offering to provide us with the vaccine as soon as it is possible for distribution to the public. I cannot overemphasize my debt of gratitude,” dagdag pa nito.

Inilahad ng Pangulo sa mga nauna niyang pahayag sa bayan na parehong nag-alok ng COVID vaccine sina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping. Subalit hindi pa niya tiyak noon kung libre o may bayad ang bakunang ibibigay sa Pilipinas.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

“But remember that this is not for free for after all they did not develop the vaccine without great expense and also the human effort involved,” wika ni Duterte kagabi.

“Bibilhin natin ‘yan. Kaya lang kung mahal, if it is quite expensive then I will ask the — my friend President Putin and President Xi Jinping to give us a credit, parang utang, a credit line but we will pay not in one payment but by installments. Basta ang sinasabi ko magbayad tayo. Hindi ito libre,” patuloy ng Pangulo.

Inamin din ni Duterte na tulad ng ibang bansa, bagsak na talaga ang ekonomiya ng Pilipinas dahil walang trabaho at hindi productive ang mga tao kaya isa itong malaking suliraning kinahaharap ng bawat isa.

Loading…