Barbie naiyak makaraang ‘makalimutan’ ni Jak ang birthday niya

Image capture of video by Jak Roberto via YouTube
  • Jak Roberto “kinalimutan” ang birthday ni Barbie Forteza
  • Halata ang pagkabalisa at medyo nagsusungit si Barbie
  • Tanong ni Jak: “Okay ka lang?”

Napaiyak na lamang ang GMA Primetime Princess na si Barbie Forteza nang “makalimutan” ng nobyong si Jak Roberto ang kanyang kaarawan; ang bidyo ng reaksyon ni Barbie sa prank na isinagawa ni Jak ay agarang nag-trending sa YouTube na nakakuha na ng higit 3-million views.

Image capture of video by Jak Roberto via YouTube

Karaniwan umanong binabati ng binata ang kanyang nobya tuwing ika-12:01 ng umaga sa kaarawan nito at nagpo-post na ng greetings sa social media, pero hindi niya ito ginawa sa araw na iyon.

Magtatanghali na nang pinuntahan ni Jak ang tahanan nina Barbie at nakipagkuwentuhan ito pero ni hindi binanggit ang tungkol sa kaarawan; bagkus ay nagpaalam pa ito kalaunan para magpa-carwash.

Halata ang pagkabalisa ni Barbie at medyo nagsusungit-sungit ito pero ipinagpatuloy ng binata ang pagpapanggap.

Hindi tumuloy sa pagpapa-carwash ang aktor; sa halip ay bumalik agad ito dala-dala ang kanyang regalo at isang pumpon ng pulang rosas. Kinantahan niya ang nobya ng, “Happy birthday to you… Happy birthday to you… Happy birthday!”

Naging emosyonal ang GMA Primetime Princess at napaluha sa naganap. “Okay ka lang?” tanong ni Jak.

Sagot ni Barbie na mukhang nagpapaawa, “Hindi niya kasi ako binati.”

Makikita na ang kasiyahan ng magkasintahan sa mga susunod na eksena at ipinagdiwang nila ang ika-23 na kaarawan ng dalaga.

Kinilig naman ang mga tagahanga ng couple at marami ang nagpaabot ng mensahe para sa kanila.

Image capture of video by Jak Roberto via YouTube

Sabi ng isa, “So much LOVE in here. One thing that makes them so cute, its their authenticity and true to each other’s feelings.”

Komento pa ng iba, “Naiyak naman ako. Sana may isang Jak din na makikilala ko at magsu-surpresa ng ganito. Love this couple. God bless and stay in-love.”

Panoorin ang buong bidyo na ini-upload ni Jak Roberto:

Source :

YouTube, PEP

Loading…