Batang gabi-gabi kinukombulsyon tinulungan ni “Happy Anonymous”

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Isang 7-anyos na batang babae ang kinukombulsyon gabi-gabi dahil sa focal seizure disorder
  • Nanawagan ang ina ng bata ng tulong na piso-piso mula sa puso ng mga taong may mabuting kalooban
  • Tumugon si Happy Anonymous sa panawagan at nagbigay ng malaking halaga

Hindi sapat ang kinikita ng mag-asawa para makabili ng kinakailangang gamot para sa anak na may focal seizure disorder. Dahil sa pandemya ay three times a week lang nakapagta-trabaho ang ama bilang taga-deliver ng tubig at ang ina naman ay nag-o-online selling.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Bilang ina, nahihirapan ang kalooban ni Jeross Abines sa kalagayan ng pitong-taong gulang na anak na babae kaya minabuti niyang humingi ng tulong sa mga may mabubuting kalooban upang makaipon ng sapat na halaga para ipambili ng gamot na tanging nakapagpapakalma sa anak.

Aniya sa kanyang Facebook post, kahit piso piso lang mula sa puso ay makatutulong para makaipon ng P2,124 para sa maintenance medicine ng anak na si Zxyra na gabi-gabing kinukombulsyon tuwing natutulog.

Ang post ng ginang ay nabasa ng isang taong may mabuting kalooban na nais lang makilala bilang si “Happy Anonymous.”

Dahil ayaw niyang magpakilala, ipinadala na lang ni Happy Anonymous  ang P20,000 na tulong niya para kay Zxyra, na labis ikinatuwa ni Ginang Abines.

Screenshot ng Facebook post ni Ginang Jeross Abines

“P20,000 po. Thank you po. Mayroon na po akong panggamot para sa anak ko,” anang ginang na hindi napigilang maluha sa galak.

Aniya, may pang MRI (Magnetic Resonance Imaging) na raw sila para kay Zxyra.

Ayon sa video ng ABS-CBN, ang adhikain ni Happy Anonymous ay makatulong sa kapwa nang walang inaaasahang kapalit o anumang pagkilala.

Sa unang bahagi ng video ay maririnig ang tinig ni Happy Anonymous  na sumagot sa isang tanong kung bakit gusto niyang tumulong.

“Before, na-experience ko ‘yung walang-wala ako, tinutulungan ako. Kaya binabalik  ko lang ‘yung blessing na natanggap ko.”

BASAHIN:Happy Anonymous’ donor pinakyaw ang tig-P10 keychains na gawa ng special child, binayaran ng P1k bawat isa

Source :

YouTube, Facebook

Loading…