Batang may autism pinalabas ng pari sa simbahan dahil sa paglalaro; mga magulang dismayado sa pari

Screenshot mula sa video ni Mrs. Julia Vicidomini
  • Pasigaw na pinalabas ng pari ang isang batang may autism dahil sa paglalaro habang may binyagan sa simbahan
  • Na-videohan ang pangyayari at maririnig ang pasigaw na sabi ng pari na “Let him out. Out! Out!”
  • Dismayado ang mga magulang ng bata sa inasal ng pari

Nasaktan ang kalooban ng mga magulang ng pitong-taong-gulang na batang lalaki na may autism nang ipagtabuyan ito ng pari dahil naingayan sa ginagawa nitong paglalaro ng bola habang binibinyagan ang nakababatang kapatid.

Screenshot mula sa video ni Mrs. Julia Vicidomini

Nakunan ng video ang pangyayari kung saan maririnig ang pasigaw na sabi ng paring si Fr. Luke ng “Let him out. Out! Out!”  Ipinost ng inang si Julia Vicidomini ang video sa Facebook na agad nag-viral.

“It was shocking to say the least. We’re still hurt and upset about it, and it shows there is still much to be done to educate others of those with disabilities,” pahayag ni Ginang Vicidomini tungkol sa ginawa ng pari sa anak na si Nicky.

Ang pamilya nina Julia ay nasa simbahan upang pabinyagan ang bunsong anak na babae. Pribado ang ginanap na binyagan at sila lang magkakapamilya ang naroroon.

“We just wanted Nicholas to be part of the celebration,” aniya.

Habang ginaganap ang seremonya ng binyag ay naglalaro sa katabing candle room si Nicky, ngunit nahulog umano ang ilang laruan nito na nagkalansingan sa sahig kaya nagalit ang pari at pinalabas ang bata.

Screenshot mula sa video ni Mrs. Julia Vicidomini

Sabi ni Julia, mabuti na lang at hindi naiintindihan ng anak niya ang nangyari, pero masakit sa kanila bilang mga magulang ang ginawa ng pari.

Nang matapos ang binyagan ay nagtungo sa kumbento ang ama ni Nicky para kausapin ang pari at hingan ito ng paumanhin sa ginawa sa anak nila. Hindi umano humingi ng paumanhin si Fr. Luke.

“He goes, ‘I didn’t kick him out’ and started getting loud with me. And my wife came over and said, ‘I thought he was coming out to apologize, not make excuses,’” kuwento ni Marc Vicidomini tungkol sa inasal ng pari.

“This could have been handled in a different way.. We don’t speak to Nicholas that way and it was unprofessional and unkind for the priest to do so. He should have addressed us as the parents, not Nicholas,” sabi ni MR. Vicidomini.

Screenshot mula sa video ni Mrs. Julia Vicidomini

Nakarating sa Archdiocese ng Newark ang insidente at ito na ang humingi ng paumanhin para sa pari.

Makalipas ang ilang araw ay nagbigay ng update si Ginang Vicidomini hinggil sa insidente. Aniya, nakausap na nila si Fr. Luke at sinsero raw na humingi ito ng paumanhin.

“We had an opportunity to speak to Father Luke today. We heard his words and felt his apology was sincere. All we wanted from the very beginning was an apology. We have forgiven and are ready to move forward in healing.”

Source :

Inquirer, KBTX

Loading…