‘Batman’ na nakasuot ng face mask namataang namimigay ng pagkain sa mga homeless people

Screenshot mula sa Bright TV Toronto
  • Isang lalaki na nakasuot ng Batman costume ang namamahagi ng pagkain sa mga homeless people sa Chile
  • May suot na face mask ang lalaki na tinawag ang sarili bilang “Solidario Batman”
  • Ang kanyang misyon ay hindi lang simpleng pamimigay ng pagkain; aniya, minsan ang kailangan lang upang mabusog ang kaluluwa ng mga tao ay kaunting humor at mabubuting salita

Kaiba sa mga superheroes na mayroong inhuman superpowers, ang Caped Crusader na si Batman ay walang taglay na anumang super powers. Ang lakas niya ay nasa kanyang katalinuhan at pagiging super-rich. Ginagamit niya ang kanyang kayamanan upang maipagtanggol at tulungan ang mga nangangailangan.

Imahe mula sa Batman News

Tulad ng superherong si Batman, isang lalaki na nakasuot ng Batman costume ang namataang sakay ng kanyang “bat-mobile” (kotse) na naglilibot sa ilang bahagi ng Chile upang tulungan ang mga homeless people sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pagkain.

Bukod sa costume ay may suot din siyang face mask bilang proteksyon sa kalabang hindi nakikita – ang SARS-CoV-2 virus na nagdudulot ng COVID-19.

Layunin niya na kahit paano ay maibsan ang nararanasang hirap ng mga lubos na apektado ng ilang buwan nang lockdown na ipinatutupad sa kanilang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang kanyang misyon ay hindi lang simpleng pamimigay ng pagkain. Aniya, minsan ang kailangan lang upang mabusog ang kaluluwa ng mga tao ay kaunting humor at mabubuting salita. Target daw niyang busugin  hindi lang ang tiyan kundi maging ang puso ng mga homeless people.

Screenshot mula sa Bright TV Toronto

“Look around you, see if you can dedicate a little time, a little food, a little shelter, a word sometimes of encouragement to those who need it,” narinig na sabi ng lalaki na ang tawag sa sarili ay “Solidario Batman” (solidarity Batman).

Napag-alaman na regular na ginagawa ng lalaki ang pagtulong simula pa noong unang dapuan ng coronavirus ang Chile.

Tulad ni Bruce Wayne, nais ng lalaki, na diumano ay isang negosyante, na manatiling anonymous.

Screenshot mula sa Bright TV Toronto
Source :

Inquirer, YouTube

Loading…