Bawal na sa workplaces sa MECQ areas ang dine-in sa canteen, pagyoyosi sa common areas

Imahe mula sa GMA News
  • Naglabas ng workplace protocol standards ang pamahalaan dahil sa dumaraming COVID-19 cases sa hanay ng mga manggagawa
  • Kabilang dito ang pagbabawal sa dine-in sa canteen at ang pagyoyosi sa common area
  • Ang bagong guidelines ay inilabas matapos ipahayag ni Sec. Galvez na ang workplaces ang most critical areas ngayon sa panahon ng pandemya

Naglabas ang gobyerno ng mga bagong protocols para sa mga workplaces na nasa mga lugar sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) upang mapigil ang dumaraming kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga manggagawa.

Imahe mula sa GMA

Kabilang sa mga bagong ipinatutupad ay ang pagbabawal  kumain sa loob ng canteen at ang pagyoyosi sa common  area.

Ang bagong workplace protocols ay inilabas kasunod ng pahayag ni Sec. Carlito Galvez, ang chief implementer ng COVID-19 response ng pamahalaan, na ang pagsirit sa bilang ng mga COVID-19 infections ay maiuugnay hindi lang sa transmission sa loob ng mga mass transport vehicles kundi maging sa mga common areas sa workplace gaya ng canteen at smoking areas.

“We saw that the most critical areas right now are the workplace, in what we call economic hubs,” ani Galvez noong nakaraang linggo.

Narito ang ilan pang workplace protocols na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte:

Imahe mula sa MB
  • Shuttle service provision for bigger companies
  • No removal of face masks and face shields inside the shuttle
  • Wear face mask/shield when confined inside a room with more than one person, during meetings, and inside the shuttle
  • Frequent hand washing and disinfection of areas
  • Getting temperature of workers and guests

Kabilang din na ipinatutupad sa workplaces ang:

  • Designation of health protocol officers plus formation of Occupational Safety and Health Protocol Committee to ensure stricter compliance of protocols per company
  • Training of workers on new Health Protocol Standard
  • More company visits and audits from the Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry and local government units
Imahe mula sa PAPP

Sinabi ni Sec. Galvez na ang maraming workplaces sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay napatunayang lumalabag sa minimum health standards tulad ng physical distancing.

Loading…