“Behavior change” kailangan upang mapabagal ang COVID-19 transmission

Imahe mula kay Dr. Tony Leachon
  • Pagbabago ng pag-uugali kailangan upang mapabagal ang COVID-19 transmission
  • Sinabi ng DOH na dapat na tayong masanay sa “new normal” kung saan kailangang sumunod sa minimum health standards
  • Wala naman dapat ikabahala kahit magtagal pa ang virus hangga’t hindi pa nao-overwhelm ang health system ng bansa at ang fatality rate ay nananatiling mababa

Sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa bansa, sinabi ng Department of Health (DOH) na mahalaga ang behavior change o pagbabago ng ating pag-uugali upang mapabagal ang pagkalat ng coronavirus.

Imahe mula sa CNN PH

Sabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, napakahalaga ng pagsasanay ng minimum health standards lalo na’t ang mga eksperto sa buong mundo ay wala pang nakikitang palatandaan na bumabagal ang pagkalat ng COVID-19 infections.

“We need to learn how to live with the virus. Alam naman natin na magtatagal talaga siya. Hindi pa natin nakikita na meron na siyang signs na siya ay titigil,” ani Usec. Vergeire.

Binigyang-diin niya na kailangan ng tao na baguhin ang ugali pagdating sa pamumuhay sa gitna ng COVID-19 crisis. Kailangan na umano ng lahat na sanayin ang mga sarili sa takbo ng “new normal”  kung saan kailangan ang palagiang pagsusuot ng proteksyon laban sa mikrobyo, hindi paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan, palagiang paghuhugas ng mga kamay at physical distancing.

Imahe mula sa DOH

Aniya, kailangan nating sumunod sa minimum health standards na ipinatutupad ng pamahalaan.

“Eventually and hopefully as the months will pass, people will have a change in behavior and practice the new normal…We need to have that behavior change. We need to comply with minimum health standards,” anang Health official.

Hindi naman dapat matakot o mabahala ang mga tao kahit magtagal pa ang pananatili ng virus hangga’t hindi pa nao-overwhelm ang health system ng bansa at ang fatality rate ay nananatiling mababa.

“Sana ma-maintain na ganito, hindi overwhelmed ang health system, maintain ang mababa ang case fatality rate sa bansa,” aniya.

Imahe mula sa DOH

Magagawa lang daw ito kung susundin ang minimum health standards kahit abutin pa ito ng dalawang taon basta’t maging ligtas tayong lahat.

Matatandaang nagpahayag ang World Health Organization na umaasa ito na matatapos ang pandemya sa loob ng hindi hihigit sa dalawang taon.

Source :

Inquirer, DOH

Loading…