Bela Padilla, Best actress nominee sa 15th Seoul International Drama Awards

Imahe mula sa Viva Artists Agency
  • Bela Padilla nominado bilang Best Actress sa 15th Seoul International Drama Awards
  • Pitong foreign actresses ang katunggali ni Bela sa Best Actress award kabilang ang British actress na gumanap sa professor Dolores Umbridge sa “Harry Potter”
  • Ang awards ceremony ay ila-livestream sa September 15, 2020

Nominated para sa Best Actress award sa 15th Seoul International Drama Awards ang aktres na si Bela Padilla dahil sa mahusay niyang pagganap bilang ang abogadang si Juris sa 2019 ABS-CBN drama na “Sino Ang May Sala? Mea Culpa.”

Imahe mula sa Viva Artists Agency

Medyo na-shock daw siya sa nominasyon, sabi ng aktres sa Instagram post niya. Ito ay dahil kasama niyang nominado sa naturang award ang mga batikang international actresses na hinahangaan niya.

“I’m in a bit of a shock. I just realized I’m nominated alongside Professor Umbridge hahaha. I was so scared of her growing up. I also love Ms. Staunton in “Downtown Abbey.” And Hyo Jin? I was so obsessed with her “It’s Ok that’s Love,” WTCB and the Producers. I feel like I won already,” aniya.

Ang mga tinukoy niyang mga actress ay ang British actress na si Imelda Staunton na gumanap na Professor Dolores Umbridge sa “Harry Potter and the Order of the Phoenix” samantalang si Hyo Jin Kong naman ay isang South Korean actress.

“Thank you!!! To be nominated with Ms. Hyo Jin and professor Umbridge herself!!!!! is honestly the most kilig part for me,” kinikilig na post ni Bela sa Twitter.

Screenshot ng Instagram post ni Bela Padilla

Apat na iba pa ang makatutunggali ni Bela sa Best Actress award – dalawa pa sa South Korea, isa sa Czech Republic at isa ng mula sa Taiwan.

Ang “Sino Ang May Sala? Mea Culpa” ay nominado naman sa ilalim ng Serial Drama Category kabilang ng pitong iba pang foreign shows.

Ang awards ceremony ng 15th Seoul International Drama Awards ay ila-livestream sa September 15, 2020. Bawal ang live audience dahil sa umiiral na pandemya.

Imahe mula sa Kapamilya Entertainment Facebook page
Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…