Bicol LGUs bumili ng P245-M worth agri products mula sa local farmers, fishers

Image via PIA website
  • Bumili ng P245-million worth of agri products ang mga LGU sa Bicol region at ipinamahagi ang mga produkto sa mga mamamayan
  • Ani DA Sec. William Dar, makatutulong ang mga masustansiyang farm produce sa immune system ng mamamayan kontra COVID-19
  • Matutulungan din nito, aniya, ang mga magsasaka at mangingisda para mas madaling maibenta ang kanilang mga produkto

Hindi lamang masustansya kundi nakatulong pa sa mga lokal na magsasaka at mangingisda ang mga relief packs na naipamahagi sa Bicol region ngayong panahon ng pandemya.

DA Sec. William Dar/Imahe mula sa DA

Kamakailan lamang ay sinabi ni DA Bicol Regional Executive Director na nakabili ang mga lokal na pamahalaan doon ng P245,104,021.00-halaga ng rice, pork and chicken meat, eggs, assorted vegetables, at fresh and dried fish (as of June 30, 2020).

Naganap ito makaraang piliin ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na tumugon sa panawagan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na gawing prayoridad ang pagbili ng fresh farm products bilang bahagi ng relief goods na ipamamahagi sa mga mamamayan.

Pahayag kasi ni Dar, magiging win-win situation ito sa mga producers at consumers dahil pinalalakas ng mga masusustansiyang farm produce ang immune system ng mamamayan kontra COVID-19 habang natutulungan naman ang mga magsasaka at mangingisda na mas madaling maibenta ang kanilang mga produkto.

Malaki ang pasasalamat dito ni Letty Patricio na nakabenta ng 2,000 kilo ng sayote at higit 1,000 kilo ng kalabasa na personal pang pinuntahan ng LGU sa kanyang farm.

Aniya, “Malaki po ang advantage na direct buyer na ang pumunta sa akin para bilhin ang aking produkto dahil bukod sa wholesale na ang bilihan, hindi na ako gumastos sa pamasahe papuntang palengke kung saan ako dating nagtitinda.”

Image via PIA website

Pinasalamatan ni RED Tornilla ang mga lokal na pamahalaan sa pagbili ng mga farm products at umaasa siyang ipagpatuloy ito habang tumatawid tayo sa “new normal.”

Tunay ngang malaki ang nagagawa ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan lalo na sa mga mapanghamong panahon kagaya nito, #SanaAll pamarisan ito.

Imahe mula sa International Food Information Council
Source :

PIA

Loading…