“Bida ang may Disiplina” campaign inilunsad; mga barangay hinikayat na mag-organisa ng Disiplina Brigade

Imahe mula sa DILG
  • “Bida ang may Disiplina: Solusyon sa COVID-19” campaign inilunsad ng DILG at DOH
  • Ang kampanya ay humihimok sa mga mamamayan na makilahok sa paglaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina at pagsunod sa minimum health standards na ipinatutupad
  • Hinihikayat din ang lahat ng LGUs na magtatag ng Disiplina Brigades sa lahat ng barangay

Inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) ang “Bida ang may Disiplina: Solusyon sa COVID-19” campaign na naglalayong hikayatin ang pagkakaroon ng disiplina sa hanay ng mga mamamayang Pilipino upang malabanan ang COVID-19.

Imahe mula sa DILG

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang joint effort na ito ng DILG at DOH ay isinakatuparan sa layuning hikayatin ang mga Pilipino na makilahok sa pakikipaglaban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina at pagsunod sa minimum health standards na ipinatutupad ng mga health authorities.

Kasabay nito ang paghihikayat sa lahat ng local government units na mag-organisa ng Disiplina Brigade sa lahat ng mga barangay sa buong bansa na hihimok sa mga residente na sumunod sa health standards sa komunidad.

Ang bawat Barangay Disiplina Brigade ay bubuuin ng mga volunteers mula sa komunidad, kabilang ang mga barangay tanod, na pamumunuan ng barangay captain. Paalalahanan nila ang kanilang mga kapitbahay at kaibigan tungkol sa minimum health standards at sasaway sa mga lumalabag nito.

Imahe mula sa DILG

“Ang laban kontra COVID-19 ay hindi lang laban ng pamahalaan, ito po ay laban ng bawat Pilipino na maaaring mabiktima ng sakit na ito kaya sa pamamagitan ng ‘BIDA ang may Disiplina’ ay hangad ng DILG at DOH na iparating sa mga mamamayan na ang susi sa pagsugpo sa virus na ito ay disiplina at pagsunod sa mga tamang asal. It is only through concerted and unified efforts can we win this battle,” ayon kay Sec.  Año.

Binigyang-diin ni Sec. Año na magiging matagumpay ng kampanya kung mahusay itong pangungunahan ng mga lokal government units.

Imahe mula sa PTV

 

Source :

DILG, Philstar

Loading…