Biker agaw-pansin dahil sa “OOTD” nitong neon green

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang mga larawan ng isang siklista o biker
  • All-neon green kasi ang suot niya, gayundin ang sinasakyang bisikleta
  • Naispatan siyang namamabaybay sa McArthur Bridge sa Maynila

Umagaw ng pansin sa mga motorista at maging sa social media ang isang biker na nakasuot ng neon green outfit mula sa kaniyang helmet, damit, manggas, gear, medyas, sapatos, at maging ang bisikleta, habang namamaybay sa kahabaan ng McArthur Bridge sa Maynila, nitong Agosto 21, 2020.

Batay sa ulat ng Philippine Star, makikitang game na game pa ang naturang biker na ipakita ang kaniyang OOTD o “Outfit of the Day.” Hindi naman natukoy ang pangalan ng naturang biker na isang lalaki. Ginawa niya ito upang makita siya ng mga motoristang nakakasabayan sa kalsada, lalo na sa gabi. Maaaring pumapasok sa trabaho ang naturang biker.

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Star

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento sa mga netizens. Naihambing pa siya sa mga fictional superheroes gaya nina Green Ranger at Green Lantern.

“Ewan ko na lang kung hindi pa siya mapansin ng mga nagda-drive ng 4-wheels sa gabi dahil sa kulay niya,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang cool. Para siyang si Green Ranger o kaya yung superhero na kulay-green hahaha.”

“Iwas disgrasya. Nice one kuya! Sa panahon ngayon kailangan mo rin maging wais ganda nga ng porma mo pero papunta kay San Pedro naman destinasyon mo. Iyan outfit mo kapag tinamaan ng ilaw ng sasakyan lalo na kung gabi ewan ko lang kung hindi sila masilaw sa reflection niyan. Hehe. God bless kuya and keep safe,” wika naman ng isa.

Saad naman ng isa, “All cyclists especially those doing it at dark/night must wear this kind of reflective neon get up, burn that all black thing. Hindi kayo makita sa kalsada! Hilig ninyo pa gumitna.”

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Star / Public Domain Image

Nice one, kuya! Good job! Nasaan ka man at sino ka man, ingat lagi sa pagbibisikleta!

Loading…