
- Bumubuti na ang kalagayan ni Senador Bong Revilla matapos isugod sa ospital dahil sa pulmony
a - Muling humiling ng dasal si Lani Mercado para sa paggaling ng kaniyang mister
- Si Revilla ang pang-apat na senador na dinapuan ng coronavirus
Bumubuti na ang kalagayan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ilang araw matapos isugod sa pagamutan dahil sa pulmonya bunsod na rin ng coronavirus.
Sa update na ibinigay ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla sa kaniyang Facebook, sinabi nito na medyo maayos na ang kalagayan ng kaniyang mister bagama’t mayroon pa rin itong pulmonya at patuloy na umiinom ng gamot.

“Salamat po sa lahat ng inyong mga dasal. Bumubuti ang lagay ng aking asawa. He still has pneumonia. He occasionally coughs when he talks and still needs to rest,” anang alkalde.
Dahil dito muling umapela ng dasal sa publiko sa Lani para sa patuloy na paggaling ng kaniyang asawa.
“Please continue to pray for him. He still has to continue taking his meds and antibiotics.Thanks to all of his doctors and nurses. Tuloy pa rin ang Laban natin,” apela ni Lani sa Facebook.
Mababatid na inanunsiyo ng senador sa social media na nagpositibo siya sa COVID-19 noong Agosto 8. Bigla naman itong isinugod sa ospital makaraan ang ilang araw matapos magkaroon ng pneumonia.

Si Revilla ang pang-apat na senador na nagpositibo sa coronavirus matapos ding tamaan nito sina Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara at Koko Pimentel.
Hindi naging maganda ang pagtanggap ng karamihan sa mga netizens sa balitang nagka-COVID ang mambabatas na ilang taon ding nakakulong sa Camp Crame dahil sa pagkakasangkot sa ‘pork barrel scam’ noong 2013.
Sa kabila nito, marami pa rin ang nagpaabot ng simpatiya sa pamilya Revilla at humiling sa maagang paggaling ng aktor-politician.