Britney Spears gusto nang ‘lumaya’ sa kaniyang ama

  • Gusto nang lumaya ni Britney Spears sa pangangalaga ng kaniyang ama
  • Si Jamie Spears na ama ng tinaguriang Princess of Pop ang “conservator” sa pinansiyal at personal affairs ng kaniyang anak, simula pa noong 2008, batay na rin sa desisyon ng korte
  • Gusto ni Britney na ang mangalaga na sa kaniya ay ang care manager na si Jodi Montgomery

Hiniling ng “Princess of Pop” na si Britney Spears sa korte na tuluyan na siyang makawala sa kaniyang amang si Jamie Spears bilang kaniyang conservator, na siya namang nangangalaga sa kaniyang business at personal affairs dahil sa isyu niya sa kaniyang mental health sa mahabang panahon.

Nitong Miyerkules, Agosto 19, 2020, nagsampa ng mga dokumento sa korte ang abogado ng 38 taong gulang na pop star, na humihiling na alisin na ang conservatorship ng amang si Jamie sa kaniyang personal na buhay, na nagsimula pa noong 2008 matapos niyang sumailalim sa mga psychiatric treatment.

Public Domain Image

Bagama’t nakabalik naman sa limelight, muli siyang nawala dahil sa pagpapatuloy ng kaniyang sitwasyon noong 2018. Kaya naman, naglunsad ang kaniyang mga tagahanga ng kampanyang  “FreeBritney” na nanawagang hayaan na ulit si Britney na makapagtanghal dahil naniniwala silang mas nakadaragdag sa kalagayan nito ang tila pagtratong ‘bilanggo’ rito.

Hiling nila na ang kaniyang care manager na si Jodi Montgomery na ang maging tagapangalaga ni Britney.

“All these conspiracy theorists don’t know anything. It’s up to the court of California to decide what’s best for my daughter. It’s no one else’s business,” saad naman ni Jamie Spears.

Sumikat ang career ni Britney sa kalagitnaan ng 1900’s hanggang 2000. Big hits ang kaniyang mga awiting “Baby One More Time (1999)” at “Oops!… I Did It Again (2000),” na maituturing na “global success” na itinanghal pang  “best selling albums of all time,” at  “best-selling teenage artist of all time.”

Public Domain Image

Naging kontrobersiyal ang buhay ni Spears, lalo na ang kaniyang lovelife at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ilang beses na siyang naglabas-masok sa loob ng rehab centers. Noong 2004, pinakasalan niya ang kaniyang kababatang si Jason Allen Alexander ngunit makalipas lamang ang 55 oras, sila ay naghiwalay rin dahil sa padalos-dalos umano niyang pagpapasya.

Loading…