Buro, pagkaing may kakaibang amoy at lasa marami palang health benefits

Screenshot mula sa KMJS video
  • Buro, ang pagkaing may kakaibang amoy at lasa pero maraming health benefits
  • Ang buro ay isa ring proseso ng pag-iimbak upang pahabain ang shelf life ng mga pagkain
  • Ang kimchi na isang uri ng burong gulay ay mainam raw na pampalakas ng immune system upang hindi madaling kapitan ng COVID-19

Sa Nueve Ecija ay popular ang pagkaing may kakaibang amoy at lasa na kung tawagin ay “buro.” Ang mga taong unang beses pa lang makakakita o makaaamoy nito ay tiyak na magdadalawang-isip bago iyon tikman, subalit para sa iba, isa iyong masarap na pagkain.

Screenshot mula sa KMJS video

Isa nang complete meal ang buro mula sa Gapan at Cabiao sa nasabing probinsya. Ang sangkap ng buro ay kanin at may kasama nang ulam – maaaring seafoods (isda, hipon) o karne ng baboy.

Simple lang ang paggawa ng buro. Ang kanin ay hahaluan ng “angkak” o red yeast at asin, isasahog ang isda o karne ng baboy bago iimbak ng dalawa hanggang tatlong araw para paasimin. Kung mas matagal na inimbak ay lalo pa raw sasarap ang buro.

Sa parte naman ng Visayas, popular ang burong tahong na tinatawag doong “guinamos na tahong.” Ang pagkaing ito ang nakatutulong ngayon sa mga tao roon na apektado ng COVID-19 outbreak dahil sa murang presyo nito na P50 kada isang bote.

Ang tahong na tinanggalan ng shell ay tinitimplahan ng asin at saka ibuburo ng tatlong araw. Ang shelf life ng guinamos na tahong ay maaari umanong tumagal ng isang taon; depende sa pagkakatimpla.

Screenshot mula sa KMJS video

May mga gulay rin na ibinuburo. Ang sikat na kimchi mula sa South Korea ay isang uri ng burong gulay.

Ang buro ay hindi lang pangalan ng pagkain. Ito ay isang proseso ng pagpreserba ng mga pagkain upang humaba ang shelf life nito at hindi agad mabulok. Sa wikang Ingles ay tinatawag itong fermentation o pickling, pero ang huli ay kadalasang iniuugnay  sa mga pipino o iyong pickled cucumbers na simpleng “pickles” kung tawagin.

Kalimitang ginagamit na pangpreserba ng mga pagkain ay asin at suka.

Bukod sa napapahaba ang shelf life ng mga pagkain, ang proseso ng pagbuburo ay lumilikha ng mga probiotic bacteria na mabuti sa kalusugan.

Screenshot mula sa KMJS video

Nakatutulong umano ang mga probiotics sa ating gastrointestinal health o sa digestive system, nagpapaganda ng kutis, nagpapalakas ng immune system at sinasabing nakatutulong ito upang maibsan ang depresyon, bagama’t kailangan pa ng mas masusing pag-aaral para sa mga nabanggit  na health benefits.

Sa ginawang pag-aaral sa Europe, sinabi ng ilang eksperto roon na ang pagkain ng kimchi ay nakatututulong upang hindi madaling mahawahan ng COVID-19.

Source :

YouTube, Bustle

Loading…