Carmina may inamin tungkol sa kanila ni Piolo: “Muntikan na maging kami”

Screenshot mula sa YT video ni Carmina Villaroel
  • May inamin si Carmina Villaroel tungkol sa kanila ni Piolo Pascual
  • Muntik na raw maging ‘sila’ noon, ayon sa aktres
  • Malapit palang magkaibigan ang dalawa na hindi alam ng karamihan

Marahil ay ilan lang siguro ang nakaaalam na malapit na magkaibigan pala sina Carmina Villaroel at Piolo Pascual subalit may inamin ang dating teen actress tungkol sa kanilang dalawa.

Sa kaniyang live birthday stream noong Sabado, maraming kaibigan sa showbiz ang bumati at nakatsikahan ng misis ni Zoren Legaspi kabilang na sina Gelli De Belen, Candy Pangilinan, Lea Salonga at Janice De Belen.

Screenshot mula sa YT video

Subalit ang kinakiligan ng mga tagahanga ni Carmina ay ang surprise guest niyang si Piolo.

Tila nagulat pa si Carmina nang biglang lumitaw ang Kapamilya aktor sa kaniyang screen matapos i-introduce ni Gelli bilang ‘pantasya ng bayan’ umano.

“Serious ba ito? Ang gwapo naman nito, pantasya nga ng bayan,” ani Carmina na hindi mapigilan ang paghanga kay Piolo.

Tinukso naman ito ng aktor kung marami bang nakaalam na close sila bilang magkaibigan.

“Close tayo, sa super close nga muntikan na maging kami,” biglang bulalas ni Mina. “Ito kasi eh kulang na lang ako lumigaw diyan eh.”

Screenshot mula sa YT video

Ibinahagi rin ng Kapamilya hunk na nag-double date sila noon kasama ang kaniyang kapatid na lalaki at ang matalik na kaibigan ni Carmina. Ang dalawa umano ang nagkatuluyan bilang mag-asawa.

“We had a double date, it was their first time to meet, ‘di ba? Kuya and si Tessie. Tessie, my kuya’s wife, is Mina’s bestfriend,” ani Piolo. “They ended up as a couple. They ended up together.”

Ayon pa sa dalawa, sila ang nagmistulang tulay para magkatuluyan ang kapatid ni Piolo at kaibigan ni Carmina.

Panoorin ang kanilang masayang kuwentuhan:

Loading…