Catriona humihingi ng danyos na P10-M mula sa tabloid dahil sa kumalat na ‘pekeng larawan’

Imahe mula sa Facebook ni Catriona Gray
  • Humihingi ng P10-M si Catriona Gray bilang danyos mula sa isang tabloid
  • Bukod dito, humhingi rin ng public apology ang kampo ng beauty queen
  • Nag-ugat ang reklamo ni Catriona sa diumano’y pekeng larawan na kumalat kamakailan

Humihingi si dating Miss Universe Catriona Gray ng danyos na nagkakahalaga ng P10-M mula sa pahayagang Bulgar matapos ang kaniyang umano’y pekeng larawan na kumalat kamakailan.

Bukod dito, humihingi rin si Catriona ng public apology mula sa nasabing tabloid.

Imahe mula sa Facebook ni Catriona Gray

Ayon sa ulat ng PEP.ph, pinadalhan ng kampo ng beauty queen, sa pamamagitan ng kaniyang abugadong si Atty. Joji Alonso, ang Bulgar ng isang demand letter na may petsang July 30, 2020 kung saan nakasaad dito ang mga reklamong cyber libel at libel.

Nag-ugat ang reklamo ni Catriona sa isang post diumano ng Bulgar sa Facebook page nito na may caption na: “After ng bantang pasabog ni Clint… Nude PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA! OMG!!! Basahin ang detalye sa INSIDER ni Melba Llanera bukas, Linggo. Bili na ng Bulgar para lagi kang updated!!”

Ang nabanggit na post ay may kasamang mga larawan ng 2018 Miss Universe na kuwestiyonable at hindi kaiga-igaya. Giit ng kampo ni Catriona, peke at digitally altered ang nasabing mga larawan.

Imahe mula sa Facebook ni Atty. Alonso

Ayon sa kampo ng beauty queen, nagdulot ng kahihiyan at ‘immeasurable damage’ sa kaniyang imahe bilang ‘public figure’ at celebrity ang naturang post na tinawag nilang “malicious, defamatory, at libelous”.

Kabilang sa inirereklamo at pinangalanan sa demand letter ang isang editor, isang writer at isang John Doe.

Bahagi pa ng abogado ni Catriona, tumanggi ang opisina ng tabloid na tanggapin ang demand letter. Hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang Bulgar para sagutin ang akusasyon laban sa mga empleyado nito.

Loading…