Chinese companies na gumawa sa West PH Sea artificial island, blacklisted ng US

Imahe mula sa SCMP
  • Blacklisted na sa US ang 24 Chinese companies na gumawa sa West PH Sea
  • Kabilang na rito ang dalawang malalaking contractor ng Belt and Road ng China
  • Tinutulan naman agad ng Beijing ang nasabing hakbang ng Washington

Ipina-blacklist ng Estados Unidos ang dalawang dosenang Chinese companies na kasama sa mga gumawa ng imprastruktura sa artificial island na inaangkin ng China sa West Philippine Sea.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa ng hakbang ang Washington laban sa mga kompanyang sangkot sa pagbuo ng mga isla sa WPS kung saan pinaniniwalaang tinayuan ng Beijing ng mga ‘air defense and anti-ship missile’ structures.

US State Sec. Mike Pompeo| Imahe mula sa Foreign Policy

Ginawa ito sa gitna ng patuloy na kritisismo ni Secretary of State Mike Pompeo sa mga aksiyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

“The United States will act until we see Beijing discontinue its coercive behavior in the South China Sea, and we will continue to stand with allies and partners in resisting this destabilizing activity,” ani Pompeo sa isang pahayag.

Kabilang sa blacklisted na kompanya ay ang China Communications Construction Company (CCCC) at ang China Electronics Technology Group Corporation na parehong malalaking contractor ng programang Belt and Road ng China.

Ayon sa US State Department official, kabilang sa layunin ng trade sanction sa 24 na Chinese companies ay “to impose costs on bad actors and to encourage all sorts of parties and institutions and governments around the world to assess the risk and reconsider business deals with the sort of predatory Chinese state-owned enterprises we have identified here.”

Imahe mula sa Foreign Policy

Ang dalawang nabanggit na kumpanya umano ay responsable sa paghukay at pagbuo ng 3,000 acres ng artificial island sa WPS kung saan itinayo ang mga ‘anti-ship missiles’ at iba pang military equipment ng bansang komunista.

Tinutulan naman kaagad ng Chinese embassy sa Washington ang nasabing hakbang ng US.

“We urge the U.S. side to immediately withdraw its wrong decision and stop harming China’s interests and undermining China-U.S. relations,” anito sa isang pahayag.

Kabilang ang Pilipinas sa patuloy na tumututol sa agresibong pag-angkin ng China sa mga isla sa West Philippine Sea. Noong 2016, nagsampa ito ng reklamo sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague upang kuwestiyunin ang ‘nine-dash line’ ng Beijing.

Bagama’t pinaboran ng korte ang Pilipinas, tumanggi naman ang China na kilalanin ang desisyon.

Loading…