Coronavirus natagpuan sa frozen chicken wings mula sa Brazil, ayon sa gobyerno ng Shenzhen, China

Imahe mula sa MSN
  • Muling natagpuan ang coronavirus sa batch ng frozen wings sa Shenzhen
  • Ang imported frozen foods ay nagmula umano sa isang planta sa Brazil
  • Ito na ang pangalawang kaparehong insidente sa China sa loob lamang ng ilang araw

Na-detect ang coronavirus sa tatlong sample ng imported frozen chicken wings mula sa Brazil; ito ang kinumpirma ng pamalaang lokal ng Shenzhen, China nitong Miyerkules.

Nadiskubre ang virus matapos magsagawa ng screening para sa mga frozen foods sa distrito ng Longgang bayan ng Shenzhen.

Ang nabanggit na produkto ay nanggaling umano sa Aurora Alimentos plant sa Santa Catarina, Brazil.

Imahe mula sa Wikipedia

Kaagad namang nagsagawa ng contact tracing ang awtoridad sa mga taong nagkaroon ng contact sa mga package subalit nagnegatibo ang resulta ng isinagawang test. Negatibo rin ang test result sa mga kaparehong produkto na nasa stock bagama’t itinago na ito.

Nagbabala naman ang pamahalaan ng Shenzhen sa mga mamimili na mag-ingat sa pagbili ng mga frozen at aquatic products na nagmula sa ibang bansa.

Coronavirus nadiskubre sa ilang frozen seafood packages sa China

Samantala, pinag-aaralan na ng Brazilian Association of Animal Protein (ABPA) ang nabanggit na insidente at iginiit ng grupo na walang ‘scientific evidence’ na ang virus ay na-transmit sa pamamagitan ng mga karne.

“It is not yet clear when the packaging was contaminated, and whether it occurred during the export transportation process,” paliwanag ng ABPA.

Imahe mula sa KTLA

Ito na ang pangalawang insidente sa China kung saan nadiskubre ang coronavirus sa mga imported frozen packages.

Noong isang araw, nadiskubre rin ang pinaniniwalaang strain ng SARS-CoV-2, ang pinagmulan ng coronavirus, sa ilang packaging ng frozen seafoods sa lungsod ng Yantai. Na-detect ang virus sa Yantai Economic and Technological Development Zone matapos magsagawa ng blanket test sa mga frozen foods at sa mga trabahador ng processing sector doon

Pinawi naman ng ilang eksperto ang pangamba na maaaring mahawa ng virus ang tao sa pamamagitan ng pagkain tulad ng frozen foods o packaged foods.

“This means somebody probably handled those chicken wings who might have had the virus,” paliwanag ni Angela Rasmussen, isang virologist sa Columbia University. “But it doesn’t mean, ‘Oh my god, nobody buy any chicken wings because they’re contaminated.’”

Bukod ito, nasasaad din sa guidelines ng Center for Disease Control and Prevention na “there is no evidence to suggest that handling food or consuming food is associated with Covid-19.”

Ang pangunahing transmission umano ng coronavirus ng person-to-person ay sa pamamagitan lamang ng pagbahing, pag-ubo, pagsasalita o maging sa paghinga.

Loading…