COVID-19 interactive simulation na gawang Pinoy, #1 sa Newgrounds

Image capture of video by GMA News via YouTube
  • Filipino developer gumawa ng interactive simulation sa pag-manage ng COVID-19
  • Nanguna ito bilang pinaka-nilarong game sa entertainment website na Newgrounds
  • Pinuri ng mga eksperto ang laro

Nanguna bilang pinaka-nilalarong game sa entertainment website na Newgrounds ang isang interactive simulation na gawa ng Cagayan de Oro-born application developer na si Khail Santia. Inilalagay ang manlalaro sa papel ng public health official at ang layunin nito ay maayos na ma-manage ang COVID-19 pandemic.

Image capture from In the Time of Pandemia game via Newgrounds

Sa laro, magkakaroon ng kakayahan ang manlalaro na pumili sa mga tao kung sino ang ang ite-test, ia-isolate at gagamutin sa limitadong pondo na available. Samakatuwid, ang pagkakamali sa pag-manage ay magdudulot ng mas lalong pagkalat ng pandemya at pagyao ng mamamayan.

Hindi rin basta-basta ang pagkakagawa ng larong “In the Time of Pandemia” dahil ginabayan si Khail ng mga volunteer na kinabibilangan ng mathematical epidemiologist, tatlong artists at tatlong composers.

Pahayag ni Santia, target audience ng laro ang mga kabataan para mas maayos na maipaliwanag sa kanila ang pandemya. Wala man sila sa at-risk demographic ng COVID-19, aniya, maaari naman silang maging silent spreaders.

Sa kabila nito, nilalaro na ito ngayon ng mga players mula sa lahat ng edad.

Pinapurihan pa ito ni USJ-R College of Information Computer and Communications Technology Dean Greg Gabison.

Aniya, “This is the kind of game that mindful individuals would want to check out. It has substance and a storyline that connects with reality, especially during this time of pandemic.”

Image by Gregg Victor Gabison via Facebook

Wika naman ni UP Mindanao professor Dr. May Anne Estrera Mata, malaki ang maitutulong nito para ma-visualize ang dynamics ng COVID-19 at kung ano ang mga control interventions na i-implement.

“The game can be used as an educational tool to demonstrate the challenge a crisis manager faces in dise*se control with limited funds and lack of compliance with preventive measures in a population. The game interface in itself resembles that of classic Nintendo games, which brings back fond memories,” sabi ni Dr. Mata.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA News:

Loading…