Dalagita hindi sinasadyang na-trap sa loob ng kaha de yero

Imahe mula sa Orlando Fire Department
  • Isang dalagita ang hindi sinasadyang nakulong sa loob ng isang kaha de yero
  • May taas na limang talampakan ang kaha de yero na ginagamit bilang display gun case sa isang indoor firearms training facility
  • Hindi umubra ang fail-safe system ng manufacturer ng safe upang mabuksan iyon
  • Gumamit ng special hydraulic tools ang mga bumberong rumesponde upang mabuksan ang kaha de yero

Isang dalagita ang aksidenteng nakulong sa loob ng isang kaha de yero sa loob ng isang indoor firearms training facility sa Orlando, Florida sa Estados Unidos.

Imahe mula sa Orlando Fire Department

Ayon sa Public Information Manager ng City of Orlando Fire Department na si Ashley Papagni, na-trap ang hindi pinangalanang kinse-anyos na dalagita sa loob ng kaha de yero sa showroom ng Shooters World dakong 6:15 ng gabi.

Na-curious umano ang dalagita at pumasok sa vault na ginagamit bilang  display gun case na limang talampakan ang taas, ngunit biglang sumara ang pintuan kaya hindi nito nagawang makalabas.

Nang mapagtanto ng staff ang nangyari ay agad nilang sinubukang buksan ang kaha de yero gamit ang susi nito subalit hindi iyon nabuksan.

Humingi sila ng tulong sa mga firefighters na agad rumesponde.

Sinubukan ng mga bumbero ang suggestion mula sa manufacturer ng safe subalit hindi rin umubra, ayon kay Orlando Fire District chief JJ White.

“We tried the manufacturers’ suggestions and unfortunately the fail-safe system failed on it,” ani JJ White.

Sinabi ni White na hindi sila gumamit ng cutting o melting tools upang matiyak ang kaligtasan ng dalagita.

Screenshot mula sa News6 video

Aniya, ginamit ng special unit ang special hydraulic tools upang puwersahang mabuksan ang pintuan ng vault.

Habang ginagawa ang rescue operation ay nakakausap naman ng mga bumbero ang teenager na nasa loob ng kaha de yero upang ipaalam dito ang kanilang ginagawa.

“We were able to tell the minor what we were doing from the outside,” ani White.

Ligtas na nailabas ang dalagita na nanatiling kalmado habang ginagawa ang rescue operation.

Loading…