Dambuhalang isdang “Opah” lumitaw sa karagatan ng Samar matapos ang pagyanig

  • Lumitaw ang isang higanteng isda sa karagatan ng Samar matapos ang pagyanig sa Masbate
  • Tinatawag itong “Opah” na naninirahan umano sa pinakailalim ng dagat
  • Isa ito sa mga pinakamahal na isdang ibinebenta sa mga pamilihan sa ibang bansa. Ang laman nito ay ginagawang “sashimi,” isang uri ng pagkaing Japanese

Nahuli ng mga mangingisda ang isang higanteng isda na kung tawagin ay “Opah” sa karagatang matatagpuan sa Santa Monica Village sa isla ng Tubabao Island, sa Silangang Samar; ilang oras matapos ang malakas na pagyanig sa lalawigan ng Masbate na naramdaman sa iba pang karatig-lalawigan nitong Martes, Agosto 18, 2020.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Director Juan Albalajedo, ang Opah ay isang deep-water specie na matatagpuan sa 500 metrong lalim ng dagat. Ito ay may scientific name na “Lampris guttatus,” na maituturing na warm-bloodied fish. Bilang isang predator, nagagwa nitong lumangoy nang mabilis upang makahanap ng kaniyang makakain o prey.

Imahe mula sa CNN Philippines/Manila Bulletin

Maaaring dahil sa pagyanig na naganap sa Masbate, partikular sa bayan ng Cataingan na may magnitude na 6.6, naglabasan ang mga isdang naninirahan sa pinakailalim ng dagat upang lumangoy sa mababaw na bahagi. Iyan ang dahilan kung bakit nahuli ng mga mangingisda ang naturang Opah.

Ayon kay Albaladejo, normal lamang daw ito. Ibinalik naman sa karagatan ang naturang dambuhalang isda.

Narito naman ang ilan sa reaksyon at komento ng mga netizens.

“Take pictures and videos, then let it go… bring it back to the sea where it belong. Amazing and wonderful creation of God!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Just be careful guys.. unexpected guest or unusual behavior of an animals must be a bad sign?”

“Animals are more sensitive than us. Release it immediately. It gave us a signal so nothing more to do with it but to release again,” nababahalang wika naman ng isa.

Public Domain Image

Napakaraming tawag sa Opah. Ilan dito ay Sunfish, Moonfish, Kingfish, Redfin Ocean Pan, at Jerusalem haddock. Isa ito sa mga pinakamahal na isdang ibinebenta sa mga pamilihan sa ibang bansa. Ang laman nito ay ginagawang “sashimi,” isang uri ng pagkaing Japanese.

Loading…