Dating Kapuso reporter Steve Dailisan na natanggal sa airline company bilang piloto, may trabaho na ulit

  • May bago na ulit trabaho si dating GMA news reporter at naging piloto na si Steve Dailisan
  • Siya ngayon ay public affairs manager at spokesperson ng Air Asia
  • Kasama siya sa mga natanggal nang magbawas ng mga empleyado ang Cebu Pacific dahil sa lubusang naapektuhan ng pandemya

Isa sa mga naidulot ng pandemyang COVID-19 ang pagkalugi ng maraming mga kompanya at negosyo dahil na rin sa ilang buwang tigil-operasyon dulot ng mga ipinatupad na community quarantines, kung saan hinikayat ang lahat na manatili na lamang sa loob ng mga tahanan upang maiwasan ang pagkalat ng karamdaman. Kaya naman, kung ang iba ay tuluyan nang nagsara, nagbawas naman ng mga empleyado.

Isa sa mga hindi nakaligtas sa pagkakatanggal sa kaniyang trabaho ang dating GMA Network reporter na si Steve Dailisan. Matatandaang nagbitiw siya sa kaniyang tungkulin bilang reporter at tinupad ang kaniyang pangarap simula pagkabata na maging isang piloto. Nag-aplay siya sa Cebu Pacific at natanggap naman.

Public Domain Image

Steve Dailisan loses job as pilot after Cebu Pacific lays off employees

Ngunit dahil na rin sa airline industry ang isa sa mga industriyang naapektuhan ng pandemya, tinanggap nang maluwag sa dibdib ni Steve na isa siya sa mga piniling tanggalin sa kaniyang trabaho. Aminado namang nalungkot at naiyak siya.

“After crying, I said to myself, ‘Sige, okay na ulit tayo.’ But then after a few days, weeks dumaan ulit ako dito sa airport area, and I saw our aircraft parked doon sa bay, and parang nalungkot ulit ako, and then I started crying,” kuwento ni Steve.

Relate-much naman ang mga netizens sa pinagdaanan ni Steve at nagbigay sila ng mga mapanghikayat na mensahe para sa dating GMA news reporter-turned-aircraft pilot.

“Let your worries and burden to God, sir. Nothing is impossible when we put God in the center of our struggle,” payo ng isa.

Turan naman ng isa, “I feel you Steve… I was laid off during my vacation. Our HR called me all the way from Dubai while I was playing with my son..it’s difficult but need to accept because everything happen for a reason.”

Public Domain Image

“I feel you, Steve Dailisan. It’s what happens when you leave the work you love. It happened to me, too. Kapit lang. New door of opportunities will open.”

Sa panayam naman ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Steve nitong Agosto 15, 2020, ibinalita niyang “may trabaho na ulit siya sa isang airline company. Siya ay public affairs manager at spokesperson na ngayon ng Air Asia.

Hindi man daw piloto ang kaniyang bagong trabaho, kinokonsidera pa rin niya ito bilang biyaya mula sa Panginoon, at inihahanda lamang siya sa muli niyang paglipad sa malapit na hinaharap.

“I consider this a blessing and a step closer to getting back to the skies once the situation improves. Tingin ko po, inilaan ito sa akin kasi kailangan ng higit na pang-unawa sa mga sitwasyon,” aniya.

Public Domain Image

Steve Dailisan nag-focus sa kanilang online meat shop matapos mawalan ng trabaho bilang piloto

Inamin din ni Steve na bago siya makapasok sa Air Asia, sumagi sa isip niyang balikan ang career bilang news reporter, pero walang bakante sa GMA Kapuso Network. Minabuti muna niyang maging online seller ng mga karne habang naghihintay ng mapapasukan.

Loading…