Dating Manila Mayor Alfredo Lim dinapuan ng COVID; ginagamot na sa ospital

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Lim
  • Dinapuan ng COVID-19 si dating senador at Manila Mayor Alfredo Lim
  • Kasalukuyan na itong nagpapagamot sa isang hindi binanggit na ospital, ayon sa kaniyang dating chief of staff
  • Itinanggi naman ni Mayor Isko ang kumalat na balita na hindi nakaligtas si Lim

Dinapuan ng coronavirus si dating senador at Manila Mayor Alfredo Lim; ito ang kinumprima ng kaniyang dating chief of staff na si Ric de Guzman nitong Biyernes ng gabi, ika-7 ng Agosto.

Kasalukuyan umanong nagpapagamot sa isang hindi binanggit na ospital si Lim at humihingi ng panalangin ang kaniyang pamilya para sa maagang paggaling ng 90 anyos na dati ring hepe ng National Bureau of Investigation (NBI).

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Lim

“Please give us some moments of privacy as we focus on Mayor Lim’s swift recovery from his current illness. We thank all those who have expressed concern and offered prayers for him and us during these trying times. Please continue praying for him as we all do,” ani De Guzman.

Ito rin ang kinumpirma ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kaniyang social media page.

“Siya po ay kumpirmadong may COVID-19 pero mali po ‘yung napabalitang siya po ay patay na,” ani Mayor Isko.

Pareho itinanggi nina De Guzman at Mayor Isko ang kumalat na balita na hindi nakaligtas ang dating alkalde ng Maynila.

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Lim

Sa katunayan umano ay buhay na buhay si Lim at umaayos na ang kalagayan.

Si Lim ay nanungkulan bilang alkalde ng Maynila sa loob ng dalawang termino – mula 1992 hanggang 1998 at mula 2007 hanggang 2013.

Noong 2000, kinuha ni dating Pangulong Joseph Estrada si Lim upang maging kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan siya naupo sa loob ng isang taon hanggang Enero 2001.

Nagsilbi rin siya bilang senador mula 2004 hanggang 2007.

Loading…