DENR kinalampag ng PAWS kasunod ng namataang 2 ostrich na gumagala sa QC subdivision

Screenshot mula sa Facebook video
  • Nanawagan ang PAWS sa DENR matapos ang insidenteng kinasangkutan ng dalawang ostrich sa Quezon City subdivision
  • Dapat umanong maghigpit ang DENR sa pagbibigay ng permit para sa pag-aalaga ng wild animals
  • Batay sa video, sinabi ng PAWS na hindi maayos ang kalagayan ng ostrich –  palatandaang hindi sila naaalagaan nang tama

Tinawag ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang pansin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasunod ng insidente na naganap noong Martes, August 4, kung saan dalawang ostrich ang nakitang malayang pagala-gala sa loob ng isang subdivision sa Quezon City.

Screenshot mula sa Facebook video

Basahin: “Jumanji” ba? Dalawang ostrich na namataang tumatakbo sa isang subdivision, nahuli na”

Ipinakita lang umano ng insidente kung gaano kaluwag ang pagbibigay ng permit sa mga taong ginagawang pets ang mga wild animals.

Hinimok ng animal welfare group ang DENR na tanggalan ng permit ang may-ari ng dalawang ostrich dahil malinaw na hindi ito karapat-dapat mag-alaga ng wild animals. Dapat rin umanong maghigpit ang ahensya sa pag-iisyu ng Certificate of Wildlife Registration.

“Loud sounds and being near roads or running vehicles cause ostriches great stress. For this reason alone, permits should not be granted for the keeping of these animals in residential areas,” pahayag ng PAWS sa social media.

Ayon sa grupo, base sa video ng insidente, ang dalawang ostrich ay nalilito at natatakot. Posible raw na masaktan ang mga iyon o kaya naman ay makasakit sa mga taong humabol kapag nasukol.

Hindi raw yata alam ng mga ordinaryong tao na humahabol sa dalawang higanteng ibon na maaari silang masugatan mula sa matalas na kuko ng mga ito at ang isang malakas nilang sipa ay sapat upang makabali ng buto ng tao.

Isa pa, ang mga pangangailangan ng ostrich ay tiyak raw na hindi kayang tugunan ng may-ari nito na naninirahan sa residential area dahil kailangan nila ng at least 1,100 square meters ng lote na napapalibutan ng mataas na bakod upang hindi makatakas. Kailangan din nito ng special diet.

Imahe mula sa PAWS

“A wildlife permit holder is required to have a wildlife veterinarian check regularly on the animals. However, the ostriches did not appear to be in good health in the videos. Their feathers were covered in grime and there were bald spots on their bodies,” ayon sa PAWS.

Dapat umanong mahigpit na ipatupad ng DENR ang Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Loading…